^

Bansa

7 barko ng China, itinaboy ng Philippine Coast Guard

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
7 barko ng China, itinaboy ng Philippine Coast Guard
Sa social media post ng PCG kahapon, ipinakita nila kung paano nila sawayin ang mga dayuhang barko sa Sabina Shoal na may 73-milya mula sa Mapankal Point sa bayan ng Rizal, Palawan.
PCG/Released

MANILA, Philippines — Nagpakita ng ngi-pin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea nang itaboy ang pitong barko na mula sa China na nama­taang nakaang­kla sa Sabina Shoal malapit sa Palawan nitong nakaraang Abril 27.

Sa social media post ng PCG kahapon, ipinakita nila kung paano nila sawayin ang mga dayuhang barko sa Sabina Shoal na may 73-milya mula sa Mapankal Point sa bayan ng Rizal, Palawan.

Bandang alas-9 ng umaga nang mamataan ng BRP Cabra (MRRV-4409), MCS-3002, at MCS-3004 ang pitong ‘unidentified foreign vessel’ na nakaangkla sa katubigan at kalauna’y napag-alamang mga China Maritime Militia Vessel (CMMV).

“This is Philippine Coast Guard BRP Cabra (MRRV-4409). You are within Philippine exclu-sive economic zone. You are requested to provide the following: Name of vessel, intention, last and next port of call on Channel 16,” sabi ng isang babaeng crew ng PCG sa mga barko.

Naganap ang radio communication na ito sa kasagsagan ng joint maritime exercise ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fi­sheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nang hindi makatanggap ng sagot pag­kalipas ng tatlong radio communication, nilapitan ng BRP Cabra (MVVR-4409), MCS-3002, at MCS-3004 ang mga CMMV na agad namang nag-angat ng angkla at nagpaandar ng makina.

Sinundan ng PCG at BFAR ang paglalayag ng mga barko para masigurong tuluyang aalis ang mga CMMV sa Sabina Shoal.

PSG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with