COVID-19 cases sa 'Pinas umabot sa 1.07 milyon; bagong patay 178
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 5,685 bagong infection ng coronavirus disease Miyerkules, kung kaya nasa 1,073,555 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 1,073,555
- nagpapagaling pa: 62,713, o 5.8% ng total infections
- bagong recover: 8,961, dahilan para maging 993,042 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 178, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 17,800
Anong bago ngayong araw?
-
Ito na ang pinakamataas na bilang ng bagong naiulat nasawi sa COVID-19 sa iisang araw lang sa loob ng 23 araw o lagpas tatlong linggo. Huling mas mataas ang daily local death toll diyan noong ika-12 ng Abril, nang maitala ang 204 patay.
-
Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na anim na Pinoy galing sa bansang India ang nagpositibo sa COVID-19. Pinapa-genome sequence na ang mga nabanggit para malaman kung tinamaan ng "mas nakahahawang" B.1.617 variant galing sa nasabing bansa.
-
Aprubado na ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization ng COVID-19 vaccine na likha ng kumpanyang Moderna. Dahil dito, pansamantala itong papayagang iturok laban sa virus oras na lumapag ang unang batch ng 194,000 doses sa Hunyo 2021.
-
Matapos ang unang araw ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Sputnik V sa Pilipinas, ikinatuwa naman ng DOH na wala pang naitatalang "seryosong" side-effects sa ngayon dahil sa naturang gamot.
-
Umabot na sa anim na ospital ang binigyan ng "compassionate special permit" para sa pagrereseta ng ivermectin sa mga pasyente laban sa COVID-19 vaccine ngayong hindi pa ito rehistrado.
-
Inirerekomenda naman ngayon ni Vergeire na irebisa na ng gobyerno ang COVID-19 testing protocol pagdating sa mga pasaherong darating ng Pilipinas sa gitna ng papatinding pandemya sa bansa.
-
Umabot na sa halos 153.2 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang lagpas 3.2 milyong katao.
— James Relativo
- Latest
- Trending