^

Bansa

'Si Duterte lang pwede magmura': DFA secretary nag-sorry sa hirit vs Tsina

James Relativo - Philstar.com
'Si Duterte lang pwede magmura': DFA secretary nag-sorry sa hirit vs Tsina
This handout satellite imagery taken on March 23, 2021 and received on March 25 from Maxar Technologies shows Chinese vessels anchored at the Whitsun Reef, around 320 kilometres (175 nautical miles) west of Bataraza in Palawan in the South China Sea. Chinese vessels gathered near a disputed reef in the South China Sea are "fishing boats" sheltering from poor weather, the foreign ministry said March 22, a day after the Philippines described their presence as an incursion.
AFP/Satellite image ©2021 Maxar Technologies, Handout

MANILA, Philippines (Updated 6:21 p.m.) — Iniatras ng kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-aalimura laban sa Tsina kaugnay ng patuloy na girian sa West Philippine Sea, pagkukumpirma ng Malacañang.

Lunes lang kasi nang pagmumurahin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Tsina dahil sa patuloy na presensya ng Beijing sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

"Ipinaalam na po niya sa akin na personal siyang nag-apologize sa Chinese ambassador at ang mga kanyang mga nabanggit na salita ay dahil sa mga bagay-bagay na dahilan para uminit ang kanyang ulo," ani presidential spokesperson Harry Roque, Martes.

"Ang mensahe [ni Presidente Rodrigo Duterte], sa larangan ng diplomasya, wala pong lugar ang pagmumura... Sa lahat ng miyembro ng kanyang Gabinete, ang presidente lang ang pwedeng magmura."

Ilang linggo nang patuloy na naghahain ng diplomatic protests si Locsin laban sa Tsina, lalo na't hindi umaalis at nanghaharang pa nga ng mga Pilipino ang Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea, na EEZ ng Maynila at kinikilala ng international community.

Mula 'Fuck you' patungong 'I'm sorry to hurt your feelings'

Ang nasabing apology ni Locsin ay kanyang ipinaabot kay Chinese Foreign Minister Wang Yi ngayong umaga, habang kapansin-pansing lumambot ang kanyang tono.

"I won’t plead the last provocation as an excuse for losing it; but if Wang Yi is following Twitter then I’m sorry for hurting his feelings but his alone," ani Locsin kanina.

"It’s been my elusive dream to copy until I attain in mind and manner the elegance of Wang Yi. His opinion alone matters. He mentored me in my Myanmar understanding and response. I went to China to get his advice before the ASEAN leaders summit and followed it to the letter."

Itinanggi naman ni Roque na may kagagawan si Digong sa biglaang pagkabig ni Locsin. Aniya, kusang loob na humingi ng tawad ang kalihim ng DFA.

Matagal nang nababatikos si Duterte ng mga kritiko dahil sa aniya'y "malambot" na paghawatak niya sa isyu ng West Philippine Sea lalo na't malapit niyang kaibigan si Chinese President Xi Jinping.

"Hindi tayo mabait [sa Tsina]. Ang ginagawa lang po natin, praktikal. Isasantabi natin ang hindi mapagkasunduan at isinusulong 'yung mga bagay... gaya ng kalakalan at pamumuhunan," patuloy ng tagapagsalita ni Duterte.

Tsina kay Locsin: Matuto kang gumalang

Pinaringgan naman ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina sa mga pahayag na ito ni Locsin, habang nagmamatigas na sa Beijing talaga ang Scarborough Shoal (Huangyan Island para sa kanila) at mga katubigang inaangkin din ng Maynila.

"China urges the Philippine side to earnestly respect China's sovereignty and jurisdiction, and stop taking actions that may complicate the situation. Facts have proven... that megaphone diplomacy can only undermine mutual trust rather than change reality," ani Wang Wenbin, spokesperson ng Foreign Ministry ng Tsina, kanina.

"We hope that certain individual from the Philippine side will mind basic manners and act in ways that suit his status."
 
Dagdag pa niya, "laging handa" ang Tsina na harapin nang maayos ang pagkakaiba ng opinyon kahit na nakikipagtulungan sa Pilipinas sa pamamagitan ng konsultasyon. Tutulong pa rin naman daw ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 response ng bansa.

'Review' ng relasyunan

Ipinasisilip naman ngayon ni Sen. Panfilo Lacson ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Tsina sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea lalo na't hindi aniya umaasal bilang kaibigan ang Asian superpower.

"What kind of friend — or benefactor — would take what is ours, bully us, and ignore our protests?" sabi ng senador kanina.

"Maybe a review of the country's diplomatic relations is timely and called for. All the diplomatic protests that the Secretary of Foreign Affairs filed have been ignored as if nothing was filed at all. The continued incursions and bullying finally got his goat. The Senate must support him in this regard."

Tinanggap na rin daw ni Senate minority leader Franklin Drilon, principal author at sponsor ng isang resolusyon sa West Philippine Sea, na palitan ang wording mula "condemning" patungong "strongly objecting."

Iminumungkahi rin niya kay Locsin na i-consider uli ang "long existing diplomatic relations" ng dalawang bansa para magpadala ng malakas na mensahe pagdating sa panghihimasok sa EEZ at hindi pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea, na una nang pumabor sa Maynila pagdating sa claims sa West Philippine Sea.

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HARRY ROQUE

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

TEODORO LOCSIN JR.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with