Papel ng media kinilala ni Duterte sa World Press Freedom Day

Ayon pa kay Duterte, itinataguyod ng Pilipinas ang pagbibigay ng proteksyon sa kalayaan sa pamamaha­yag na kinakailangan para sa masiglang demokrasya.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kasabay nang pakikiisa sa selebrasyon ng World Press Freedom Day, kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahalagang papel ng media sa lipunan.

“This occasion reminds us of the vital role of a free and responsible press in the advancement of society,” ani Duterte.

Binanggit din ni Duterte na ngayong digital age kung saan ang impormasyon ay mabilis na naipapahatid ng traditional at emerging media, mahalaga na mapanatili ang pagtataguyod ng totoo at accurate na balita.

Ayon pa kay Duterte, itinataguyod ng Pilipinas ang pagbibigay ng proteksyon sa kalayaan sa pamamaha­yag na kinakailangan para sa masiglang demokrasya.

Mahalaga rin aniyang mabigyan ng proteksiyon ang mga tagapagbalita mula sa lahat ng uri ng pananakot.

“Moreover, the messenger itself, the press, must be protected from all forms of threat and intimidation so that they may fully serve the best interest of our people,” ani Duterte.

Show comments