Duterte kinilala ang sakripisyo ng frontliners sa Labor Day
MANILA, Philippines — Kasabay nang pagdiriwang ng Labor Day, kinilala kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sakripisyo ng lahat ng mga manggagawang Filipino na patuloy na nagta-trabaho sa gitna ng health crisis na nakaapekto sa halos lahat ng industriya sa buong mundo.
Labis ding nagpasalamat ang Pangulo sa mga masisipag na healthcare workers at mga essential frontliners dahil sa walang sawang paghahatid ng serbisyo.
“On behalf of a grateful nation, I express my deepest gratitude to our hardworking healthcare workers and essential frontliners for their unwavering commitment in ensuring the unhampered delivery of goods and services that continue to sustain our communities and industries during these difficult times,” ani Duterte.
Tiniyak ni Duterte sa mga manggagawang Filipino na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matiyak na mabibigyan ng proteksiyon ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa.
“To all Filipino workers here and abroad, let me ensure you that this administration will endeavor to work as vigorously as you have in creating an environment where security of tenure, statutory labor standards and workers’ rights are not only upheld and protected, but also cherished as the foundations of a strong and thriving forceforce,” ani Duterte.
Binanggit din ng Pangulo ang kahalagahan na magkaroon ng matatag ng lipunan na maaaring ipamana sa mga susunod na henerasyon ng mga Filipino.
- Latest