^

Bansa

Ayuda, sahod ng manggagawa hiling itaas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ayuda, sahod ng manggagawa hiling itaas
Nagsamasama ang militanteng grupo sa Labor Day, Mayo 1, 2021, isa sa mga pinakamalaking protesta sa Metro Manila simula nang simulan ang lockdown sa kabila ng pagtatangka ng pulis upang pigilan ang mga demonstrasyon.
Philstar.com/Xave Gregorio

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga manggagawa sa pamahalaan na gawan ng paraan na maitaas ang ayuda at sahod ng mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor day kahapon.

Ayon sa Bayan Muna, dapat magpatawag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng isang special session sa Kongreso para maaprubahan agad ang mga panukala para sa P10,000 ayuda at P100 daily wage subsidy.

Anang grupo, sobrang hirap ang dinaranas ng mamamayan lalo na ng mga manggagawa ngayong panahon ng pandemic na karamihan ay nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng maraming opisina.

Hiling din ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bukluran ng Manggagawang Pilipino na bukod sa ayuda at taas sahod ay mabigyan ng trabaho ang mga jobless ngayon at mabigyan na ng bakuna ang mga manggagawa.

Niliwanag naman ng Department of Labor and Employment, naiintindihan nila ang hinaing ng mga manggagawa ngayong pandemic kaya’t gumagawa ng mga paraan ang pamahalaan kung paano masosolos­yunan ang mga ito.

KMU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with