MANILA, Philippines — Tuloy lang sa kasalukuang lockdown classification ang punong rehiyon ng Pilipinas bilang pagtugon ng gobyerno sa krisis ng coronavirus disease (COVID-19) — sa kabila ng unang mungkahi na "flexible" o "hybrid" modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang lingguhang "Talk to the People" address ngayong gabi, Miyerkules.
Related Stories
Ang bagong mga quarantine classifications ay epektibo simula ika-1 hanggang ika-31 ng Mayo, bagay na pwede pang iapela ng mga local government units.
Sakop ng nasabing MECQ ang mga sumusunod na lugar:
- NCR Plus bubble (hanggang ika-14 ng Mayo lang)
- City of Santiago
- probinsya ng Quirino
- probinsya ng Abra
Kumakatawan ang 'NCR Plus' sa National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.
Samantala, magpapatupad naman ng mas maluwang na General Community Quarantine (GCQ) sa:
- Apayao
- Baguio City
- Benguet
- Ifugao
- Kalinga
- Mountain Province
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Batangas
- Quezon
- Tacloban City
- Iligan City
- Davao City
- Lanao del Sur
Nasa pinakamaluwag na Modified GCQ (MGCQ) naman sa:
- nalalabing bahagi ng Pilipinas
Narito ang kumpletong kopya ng "provisional" quarantine classifications hanggang sa katupusan ng paparating na buwan. #COVID19PH pic.twitter.com/m0vAjrcdHD
— Pilipino STAR Ngayon (@PilStarNgayon) April 28, 2021
"Sumunod na lang muna kayo, tutal para naman ito sa lahat," paliwanag ni Digong sa isang talumpati.
"Ako 'yung pinakahulingt ao na mag-istorbo sa buhay ninyo. Sabi ko nga eh I want the people to be comfortable. Sometimes you have to... intervene because it is of national interest."
Kaninang umaga lang nang ibahagi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na inirerekomenda nila ang "flexible MECQ" sa Kamaynilaan, alinsunod na rin sa napagkasunduan ng 17 alkalde ng National Capital Region.
"Hybrid MECQ is intended to allay the fear of health workers for a possible surge again. That's why we want to do it gradually. By opening some businesses, we are also addressing the dilemma and hunger of those who lost their jobs," patuloy ni Abalos kanina sa isang pahayag.
"The recommendation was based on data presented by health experts and also from NEDA as presented by Sec. Karl Chua. Through hybrid MECQ, we are hitting the middle ground. There will still be strict border controls to avoid transmission, but at the same time there will also be additional economic activities."
Kabilang sa mga classifications na pinagbotohan ng Metro Manila Council ang pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ), MECQ at "flexible" MECQ.
Kasabay ng pagpapatupad ng bagong classifications, iiksian na rin ang ipinatutupad na curfew sa Metro Manila simula Sabado, ayon sa MMDA: mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.
Umabot na sa 1,020,495 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling ulat ng Department of Health (DOH). Patay na ang nasa 17,031 sa bilang na 'yan ngayong araw. — James Relativo