28 milyong Pinoy nagparehistro para sa National ID

MANILA, Philippines — Umaabot sa 28 milyong Pilipino na ang nakapagparehistro para sa Philippine National ID.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, may tatlong steps ang pagpaparehistro at ito ay ang house-to-house collection ng demographic, biometric registrations, at issuance ng Philippine Identification System (PhilSys) number at ID.

Sinabi ni  Bautista na may 10.6 milyong katao ang unang nagtungo sa first registration step noong  October hanggang March at 17.4 milyon noong January hanggang March.

Sa bilang na ito, may 4.6 milyon ay nakatapos na sa second step nitong April 20.

Anya, prioridad ng PSA ngayong Abril na gamitin ang demographic information sa mga lugar na mahina o walang internet bago buksan ang online registration portal.

Target ng PSA na makapag-enrol ng may 70 milyon katao sa ilalim ng PhilSys ngayong taon.

Show comments