P228.83-M pinsala idinulot ng Typhoon Bising sa agrikultura, imprastruktura
MANILA, Philippines — Daan-daang milyong halaga na ang napipinsala ng bagyong Bising sa sektor ng agrikultura at sari-saring imprastruktura habang patuloy ang pagkilos nito papalabas ng Philippine area of responsibility, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ngayong Biyernes, pumalo na sa 1,468 kabahayan ang napinsala sa Bicol at Eastern Visayas at CARAGA:
- wasak na wasak (94)
- bahagyang pinsala (1,374)
Narito naman ang breakdown ng halaga ng pinsala pagdating sa sektor sa Regions V at VIII:
- agrikultura (P218,288,528.50)
- imprastruktura (P10,550,000)
Patay, inilikas
Nananatili namang nasa apat ang patay habang nasa 13 ang sugatan mula sa bagyo, bagay na naitala sa Regions V, VII, VIII at XI.
Tinatayang nasa 302,564 katao na ang naaapektuhan ng bagyo sa mahigit 1,030 baranggay sa buong Pilipinas.
- dumaan sa "pre-emptive evacuation": 170,500
- nasa 170 evacuation centers: 12,228 katao
- lumikas sa ibang lugar: 17,779 katao
Nakapaglaan naman na ng halos P171,156.2 ayuda ang Department of Social Welfare and Development at mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya sa Region V.
Bagyo tinutumbok paglabas ng PAR
Huling namataan ang mata ng Typhoon Bising 715 kilometro silangan hilagangsilangan ng Basco, Batanes kaninang 10 a.m. ng umaga, ayon sa tala ng PAGASA.
- lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
- bugso: 150 kilometro kada oras
- direksyon: hilagangsilangan
- bilis: 25 kilometro kada oras
Wala naman nang tropical cyclone wind signal sa kahit na anong lugar ngayon sa kalupaan ng Pilipinas.
"'BISING' will continue to weaken throughout the remainder of the forecast period," ayon pa sa state weather bureau.
"It is forecast to be downgraded to severe tropical storm category this afternoon or tonight and tropical storm category tomorrow before transitioning into an extratropical cyclone outside the PAR on Monday (26 April)."
- Latest