COVID-19 cases sa Pilipinas gumagapang palapit ng 980,000
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,719 bagong infection ng coronavirus disease Biyernes, kung kaya nasa 979,740 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 979,740
- nagpapagaling pa: 102,799, o 10.5% ng total infections
- bagong recover: 13,812, dahilan para maging 860,412 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 159, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 16,529
Anong bago ngayong araw?
-
Bagama't kakaonti, umabot na sa 24 naturukan ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas ang namamatay. Sa kabila nito, wala pa ni isa sa kanila ang napatutunayang pumanaw dahil sa bakuna mismo. "Talagang reminder po 'yan. After natin mabakunahan, mag-ingat pa rin po, laging magmaskara at social distancing at frequent hand washing," ani Food and Drug Administration director general Eric Domingo.
-
Ayon pa kay Domingo, magandang iwasan muna ng mga may "highblood" na uminom ng kape bago bakunahan laban sa COVID-19 lalo na't nakakataas raw ito ng heart rate at blood pressure. Aniya, karaniwan daw kasing side-effect sa CoronaVac vaccine ng Sinovac ang pagtaas ng presyon kung kaya't naglabas ng guidelines ang Philippine Heart Association patungkol dito.
-
Para mapataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino na magpaturok ng bakuna sa kanila ng mga posibleng side-effects, nagpabakuna na si Health Secretary Francisco Duque III kanina: "Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effectivem," wika ni Duque kanina sa isang pahayag.
-
Kumpara sa ibang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations, pumapangatlo ngayon ang Pilipinas pagdating sa total vaccine supply, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosarioo Vergeire kanina.
-
Sa gitna ng papalalang krisis ng pandemya sa bansa, ipinaalala naman ni Sen. Grace Poe sa gobyerno na hindi na pwedeng pag-antayin pa nang matagal ang mga ospital para sa mga reimbursements mula sa Philippine Health Insurance Corporation. Sa taya kasi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc., umabot na sa P26-28 bilyon ang mga reimbursement applications sa Philhealth noong Disyembre 2020.
-
Umaabot na sa 143.44 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, halos 3.1 milyon na ang patay.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest