^

Bansa

Duterte magpapadala ng barkong pandigma sa WPS ‘pag naghukay ng langis ang China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte magpapadala ng barkong pandigma sa WPS ‘pag naghukay ng langis ang China
Ayon kay President Rpdrigo Duterte, nais niyang manatiling magkaibigan ang Pilipinas at China at hindi siya masyadong interesado sa pangingisda pero kung langis na ang pakikialaman ay ipapadala niya ang barkong pandigma ng Pilipinas.
US Navy/File

MANILA, Philippines — Walang balak si Pa-ngulong Rodrigo Duterte na makipag-iringan sa China dahil lamang sa mga nahuhuling isda sa West Philippine Sea pero ibang usapan na kung langis at mahahalagang mineral ang kukunin sa ilalim ng dagat.

Ayon kay Duterte, nais niyang manatiling magkaibigan ang Pilipinas at China at hindi siya masyadong interesado sa pangingisda pero kung langis na ang pakikialaman ay ipapadala niya ang barkong pandigma ng Pilipinas.

“I am addressing myself to the Chinese government. We want to remain friends. We want to share whatever it is. Sinabi ko naman sa inyo sa Chinese government, I’m not so much interested now in fishing. I don’t think there’s enough fish really to quarrel about. But when we start to mine, when we start to get whatever it is in the bowels of the China Sea, sa ating oil, diyan na ako --- then by that time, I will send my ships there. I will send my gray ships there to state a claim,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na walang dahilan para kumilos ngayon ang gobyerno dahil lamang sa ginagawang panghahabol ng barko ng China sa mga pumupunta sa pinag-aagawang karagatan na ang pinakahuli ay ang bangka na sinasakyan ng isang news team ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Duterte, ipapaalala niya sa China ang napagkasunduan tungkol sa pagmimina ng langis sa karagatan.

Noong mag-usap anya sila ni Pres. Xi Jinping ay napagkasunduan na wala munang magmimina ng langis.

Ipinahiwatig ni Duterte na sa ngayon ay ayos lang kung magpapatuloy ang paghahabulan ng mga coast guards ng Pilipinas at China at puwedeng maglaro kung sino ang mas mabilis.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with