MANILA, Philippines — Inilinaw ng Malacañang na magtitimpi ang Pilipinas kahit mangisda ang Beijing sa West Philippine Sea — maliban na lang kung langis na ang aagawin ng Tsina sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Lunes ng gabi nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na "wala siyang interes" sa pangingisda sa West Philippine Sea, habang idinidiing game siyang i-share ito. Ito'y kahit Maynila lang ang may sovereign right sa mga yamang dagat nito.
Related Stories
"We want to share whatever it is. Sinabi ko naman sa inyo sa Chinese government, I’m not so much interested now in fishing. I don’t think there’s enough fish really to quarrel about. But when we start to mine, when we start to get whatever it is in the bowels of the China Sea, sa ating oil, diyan na ako — then by that time, I will send my [war] ships there."
"Hindi naman talaga kilala itong body of water na ito for fishing dahil ang description niyan sa mga mapa 'dangerous grounds' kasi mabato riyan," wika ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes.
"Ang gamit talaga riyan ay bilang sea lanes pero it's not really renowed for fishing [maliban sa Scarborough Shoal]... We may tolerate na may ibang nangingisda habang hindi naman pinipigilan na mangisda ang mga Pilipino mismo."
Salungat 'yan sa mga nauna nang sinabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila na "ilang taon nang nangingisda" ang mga Tsino sa West Philippine Sea, gaya na lang sa mga lugar malapit sa Julian Felipe Reef at Recto Bank.
Statement by Spokesperson of the Chinese Embassy
— ChineseEmbassyManila (@Chinaembmanila) March 22, 2021
in the Philippines on the Presence of Alleged Chinese Maritime Militia Vessels at Niu’e Jiao pic.twitter.com/43w6Yp1DJ4
'Sovereign right' sa yamang-dagat para lang sa may EEZ
Kung titignan ang Part V, Article 56 (1) (a) ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), lumalabas na Pilipinas lang ang may karapatang gumamit sa natural resources sa West Philippine Sea na nasa loob ng 200 nautical mile EEZ ng bansa:
"1. In the exclusive economic zone, the coastal State has:
(a) sovereign rights for the purpose of exploring and exploiting, conserving and managing the natural resources, whether living or non-living, of the waters superjacent to the seabed and of the seabed and its subsoil, and with regard to other activities for the economic exploitation and exploration of the zone, such as the production of energy from the water, currents and winds."
Taong 2016 nang ibasura ng Permanent Court of Arbitration ng United Nations ang historic at sovereign right claim ng Tsina sa West Philippine Sea habang ikinaklarong sa Pilipinas ito. Wala rin aniyang legal bases ang paggamit ng Beijing a "nine-dash" line para sabihin sila ang may karapatan sa lugar.
Ika-5 ng Setyembre, 2012 nang lagdaan ni dating Pangulong Beningo Aquino III ang Administrative Order No. 29, s. 2012 na nagpapangalan sa West Philippine Sea. Inililinaw rin dito na nasa loob ito ng EEZ ng Pilipinas.
'Hindi ibig sabihing gera agad'
Binanatan naman ng Bayan Muna party-list ang pahayag ni Duterte na dudulo agad sa pagdanak ng dugo ang pagtatanggol sa soberanya at soberanyang karapatan, habang tinatawag na "palasuko" ang posisyon ng presidente. Narito ang eksaktong sinabi ni Digong kagabi:
"For me, there is no other way but a war. If we promote a war against China and America, it can be accelerated. But at what cost to us? That is the problem. But we can retake it only by force. There is no way that we can get back what they call Philippine Sea without any bloodshed. That's true."
"Bakit ayaw protektahan ng pangulo ang sarili nating mga mangingisda na halos wala ng mahuli dahil inuubos na ng Tsina ang isda sa sarili nating EEZ?," ani Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna) sa isang pahayag kanina.
"We can also assert our historic victory in the Hague Permanent Court of Arbitration as well as push for the code of conduct in the South China Sea. Joint patrols with other claimants is also an option... There are so many ways to stand up for our country without going to war. We should use these options now rather than surrender our right to our EEZ and the lives and livelihood of our people."