MANILA, Philippines — Saludo ang Malacañang sa mga nagsulputang community pantry kung saan maaaring kumuha ng libreng pagkain ang mga nangangailangan na sinusuportahan naman ng mga kayang magbigay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinapakita lamang na kayang malampasan ng mga Filipino ang mga matinding hamon sa buhay.
“Saludo po tayo sa lahat ng mga Pilipino at talaga naman po nagpapakita na the Filipino can and will prevail lalo na po kapag matindi ang paghamon,” ani Roque.
Idinagdag ni Roque na ipinapakita rin ng community pantry ang pinakamagandang ugali ng mga Filipino na nagbabayanihan at nagtutulungan sa panahon ng panga-ngailangan.
Kinontra naman ni Roque ang sinabi ni da-ting vice president Jejomar Binay na kapag absent ang gobyerno, nagdadamayan sa isa’t isa ang mga Filipino.
Nakiusap na lang si Roque na itigil na muna ang bangayan at pairalin ang bayanihan.