Evacuated COVID-19 patients dahil sa Typhoon Bising ipinahihiwalay

Makikitang namimigay ng pandesal ang lalaking ito sa isang evacuation center sa Virac, Catanduanes, ika-19 ng Abril, 2021
Released/MDRRMO Virac

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ng Department of Health (DOH) sa mga local government units (LGUs) na ihiwalay sa general population ang mga tinamaan ng COVID-19 at kanilang close contacts ngayong inililikas ang ilang residente sanhi ng Typhoon Bising.

Ito ang ipinaalala ni Health spokesperson Maria Rosario Vergeire sa mga lokal na pamahalaan para na rin maiwasan ang hawaan ng nakamamatay na virus sa mga evacuation centers na itinayo ng gobyerno sa gitna ng sakuna.

"[I]f they are to be evacuated... kailangan may facility ka for COVID patients and may facility ka for close contacts who are all quarantining. Hindi pwedeng i-mix sa rest of the population who are being evacuated," ani Vergeire, Lunes.

Umabot na sa 68,490 katao ang inilikas sa Bikol at Eastern Visayas, bagay na katumbas ng 18,467 pamilya, ayon sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kanina.

Nasa 22 baranggay na ngayon ang lubog sa baha sa kabuuan ng Region VIII sa ngayon.

Aniya, nakausap na ng DOH ang mga regional directors ngayong meron nang mga preventive evacuation na nangyayari. Sabado pa lang ay pinaghahandaan na ng gobyerno ang nasabing sitwasyon sa mga pansamantalang tuluyan.

"Local governments were already instructed to set up a facility whcih are separate from each other, all for those with COVID, and all for those who are close contacts who are undergoing their quarantine at home right now," patuloy ni Vergeire.

"Bibigyan niya po kayo ng isang lugar kung saan hindi magiging threat na makapanghawa tayo o mahawa tayo ng sakit na COVID-19."

Tindi ng bagyo

Sa huling pagtataya ng PAGASA, namataan ang Typhoon Bising 235 kilometro silangan hilagangsilangan ng Virac, Catanduanes bandang 10 a.m. ngayong araw.

Meron pa rin itong lakas ng hanging papalo ng hanggang 195 kilometro kada oras malapit sa mata ng bagyo at bugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.

Signal no. 2 pa rin sa mga sumusunod na lugar sa ngayon:

  • Catanduanes
  • silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy)
  • silangang bahagi ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito)
  • silangang at gitnang parte ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog) 
  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar
  • Biliran

Makakatikim ng 61-120 kilometro kada oras na lakas ng hangin sa mga lugar na 'yan sa susunod na 24 oras.

Hindi naman daw malayong magkaroon ng pagguho ng lupa sa ilang lugar na tukoy na sa hazard maps dahil na rin sa lakas ng mga pag-ulan.

Signal no. 1 naman ngayon sa:

  • timogsilangang bahagi ng Cagayan (Baggao, Peñablanca)
  • silangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Tumauini, Divilacan, Ilagan City, Palanan, San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Echague, Benito Soliven, Cabagan, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, Angadanan, Cauayan City, Jones, San Agustin)
  • hilagangsilangang bahagi ng Quirino (Aglipay, Maddela)
  • hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
  • silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres) kasama ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • nalalabing bahagi ng Camarines Sur
  • nalalabing bahagi ng Albay
  • nalalabing baagi ng Sorsogon
  • Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands 
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • hilagang bahagi ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kasmaa ang Bantayan at Camotes Islands 
  • Dinagat Islands
  • Siargao Islands
  • Bucas Grande Islands 

Show comments