^

Bansa

Typhoon maaaring pumasok ng PAR sa Biyernes, tatawaging 'Bising' — PAGASA

Philstar.com
Typhoon maaaring pumasok ng PAR sa Biyernes, tatawaging 'Bising' — PAGASA
Satellite image ng Tropical Storm Surigae 1,195 kilometero silangan ng Mindanao, bandang 3:00 p.m. ng Miyerkules
https://earth.nullschool.net/

MANILA, Philippines — Tinutumbok ngayon ng isang bagyo ang Philippine Area of Resonsibility (PAR), at maaaring maging isang ganap na typhoon pagsapit ng Biyernes.

Ito ang ibinalita ng PAGASA sa weather forecast nito ngayong Miyerkules habang binabaybay ng sama ng panahon ang gawing timog-kanluran sa labas ng PAR.

"Kaninang 3 p.m., 'yung sentro nitong [Tropical Storm Surigae] ay namataan sa layong 1,195 kilometers silangan ng Mindanao," ani Joey Figuracion, PAGASA weather specialist, ngayong hapon.

  • Lakas ng hangin: 75 kilometero kada oras
  • Bugso: 90 kilometero kada oras
  • Direksyon: hilagangkanluran
  • Bilis: 10 kilometro kada oras

Wala pa naman itong signipikanteng epekto sa ngayon sa Pilipinas.

"Pero 'yung trough nito, o extension ng kanyang sirkulasyon, ay magiging cause ng mga severe thunderstorms diyan sa bahagi ng Mindanao."

"But generally 'yung buong kapuluan ngayong gabi... fair weather condition ang mararanasan. Pero malaki ang tiyansa ng mga severe thunderstorms sa Mindanao at maging sa Visayas.

Anong mga dapat paghandaan?

Tinatayang kikilos ang TS Surigae sa direksyong hilaga-hilagangkanluran o pahilaga habang dahan-dahang bumabagal ngayon hanggang bukas nang umaga.

Matapos nito, maaari itong pumihit ng kanluran-hilagangkanluranat dahan-dahang bibilis.

Nakikita ring lalakas pa ito sa mga susunod na araw:

  • pwedeng maging severe tropical storm sa sunod na 24 oras
  • pwedeng maging typhoon pagdating ng Biyernes

"By Friday, pagpasok niya, maaaring naka-severe tropical storm category siya o kaya naman typhoon category," patuloy ni Figuracion.

"Atin ngang papangalanan ito na local name na Bising pagpasok niya sa Friday sa ating area of responsibility."

Sa kabila ng lahat ng mga ito, nakikitang mababa ang tiyansa na direktang makaapekto ang bagyo sa bansa sa susunod na tatlong araw. Gayunpaman, patuloy na pinasusubaybayan ng PAGASA sa mga taga-Timog Luzon at Visayas ang publiko at DRRM offices.

Dahil hindi pa rin tiyak ang ilang tatahakin ng bagyo, maaaring magsanhi ng "signipikanteng" impact sa mga nasabing lugar ang sama ng panahon oras na magkaroon ito ng pagkabig pakanluran sa forcast track. — James Relativo

BISING

PAGASA

TROPICAL STORM

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with