^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas humataw sa 812,760; patay ngayong araw 382

Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas humataw sa 812,760; patay ngayong araw 382
A patient of Amang Rodriguez Memorial Medical Center in Marikina City passes in front of the hospital lobby turned into an emergency room on April 6, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,373 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, kung kaya nasa 812,760 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 812,760
  • nagpapagaling pa: 152,562, o 18.8% ng total infections
  • bagong recover: 313, dahilan para maging 646,381 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 382, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 13,817

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng naiulat na namatay sa COVID-19 sa iisang araw lamang (382) sa Pilipinas. Gayunpaman, sinabi ng DOH na ilan rito ay nanggaling sa mga "unreported COVID-19 deaths" noong nakaraan. "A technical issue with the case collection systems resulted in lower reporting of COVID-19 death counts over the past week," paliwanag ng kagawaran kanina. "The said issue caused incomplete fatality numbers and data to be encoded and as a result, there were 341 deaths prior to April 2021 that went unreported."

  • Sinegunduhan kanina ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel ang unang panawagan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na hindi irekomenda ang gamot na Ivermectin bilang pangontra sa COVID-19: "It doesn't have yet very good data that it can be beneficial for patients with COVID-19," ani Solante. Aniya, posibleng may negatibong epekto rin ito sa atay at bato. Dapat daw munang dumaan sa extensive study ang gamot bago ito ibigay sa tao.

  • Kaugnay niyan, pinaalalahanan naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang publiko na antayin muna ang assessment ng FDA bago gamitin ang Ivermectin kontra COVID-19, bagay na isinusulong ngayon ng ilang mambabatas sa Kamara.

  • Samantala, kinumpirma naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kanina na irerekomenda na ng National Task Force Against Covid19 (NTF) ang pagsama ng A1 hanggang A5 priority (mahihirap na populasyon) sa mga priority tuturukan ng COVID-19 vaccine pagsapit ng Mayo.

  • Kanina lang din nang ianunsyo ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa briefing na maaaring magsimula na ang distribution ng cash assistance para sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa "NCR Plus" pagsapit ng Miyerkules. Matatandaang in-extend ng isa pang linggo ang COVID-19 lockdowns sa mga naturang lugar matapos muling sumipa ang mga kaso nitong mga nagdaang linggo.

  • Umaabot na sa 131.02 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, nasa halos 2.9 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kina Xave Gregorio at The STAR/Alexis Romero

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with