^

Bansa

DOH humihirit ng isa pang linggo ng ECQ para sa 'NCR Plus'

Philstar.com
DOH humihirit ng isa pang linggo ng ECQ para sa 'NCR Plus'
Makikitang nagtayo ng checkpoint sa kahabaan ng España Boulevard ang mga kawani ng Manila Police District sa pagsisimula ng ECQ implementation sa NCR Plus bubble, ika-29 ng Marso, 2021
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Itinutulak ngayon ng Department of Health (DOH) ang muling pagpapalawig ng pinakamahigpit na lockdown para sa Metro Manila at apat pang kalapit na probinsya para kontrolin ang mabilis na pagsipa ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Lunes nang magsimula ang enhanced community quarantine (ECQ) para sa "NCR Plus" — Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan — bagay na nakatakda sanang magtapos sa Linggo. Gayunpaman, ire-"review" pa ng gobyerno kung ie-extend ito.

Basahin: Philippines goes full circle as ECQ back in Metro Manila, 4 other areas

Kaugnay na balita: MECQ ibinaba sa Quirino, Santiago City ngayong Abril; ECQ sa 'NCR Plus' ire-review pa

"Maiksi ang isang linggo. Nagmungkahi na kami ng extension. Pero siyempre, kailangan nating ibalanse sa ekonomiya kung kaya't dapat meron kaming sapat na batayan para sa pagpapalawig," ani Healthy Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ANC sa Inggles, Martes.

"Magtatasa pa kami bago matapos ang linggo para malaman kung kailangang palawigin o kung babawiin ang ECQ habang nagpapatupad lang ng mga paghihigpit."

Aniya, mainam pa rin na dalawang linggo ang lockdown bago maramdaman ang epekto ng mga naabing interventions pagdating sa COVID-19 cases at health system ng Pilipinas.

Sa huling taya ng DOH, umabot na 731,894 ang tinatamaan ng nakamamatay na virus nitong Lunes. Sa bilang na 'yan, 13,186 na ang namamatay.

Una nang sinabi ni Vergeire na maaaring pumalo sa 430,000 ang nahahawa ng COVID-19 cases sa Pilipinas sa pagtatapos ng Abril kung hindi ipinatupad ang ECQ sa NCR Plus bubble.

"Pinag-iisipan po ito nang mabuti ng inyong [Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases kung ie-extend ang ECQ]," wika ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang briefing kanina.

"Sa Sabado nga po, Black Saturday, ay meron kami pong pagpupulong para isapinal kung ano ang mangyayari." 

Nakatakdang isailalim sa modified enhanced community quarantine ang probinsya ng Quirino at Lungsod ng Santiago, Isabela sa ika-1 ng Abril. Tatagal ng gitna ng buwan ang MECQ sa nauna habang aabot sa katapusan ng Abril ang Santiago.

Simula ika-1 hanggang ika-30 ng Abril, general community quarantine naman ang ipatutupad sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, lIligan City, Davao City at Lanao del Sur. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

BULACAN

CAVITE

LAGUNA

LOCKDOWN

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

RIZAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with