^

Bansa

Walang malisya?: 'Pabirong' tangkang panghihipo ni Duterte kinastigo

Philstar.com
Walang malisya?: 'Pabirong' tangkang panghihipo ni Duterte kinastigo
Kuha kay Pangulong Rodrigo Duterte habang tila tangkang inaabot ang maselang parte ng katawan ng kanilang kasambahay, ika-28 ng Marso, 2021
Screengrab mula sa video na unang ipinaskil ng isang "Chammy Toot" sa Facebook

MANILA, Philippines — Galit na binanatan ng militanteng grupo ng mga kababaihan ang kontrobersiyal na video ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo kung saan tila sinusubukan niyang hawakan ang maselang parte ng katawan ng isang babae.

Kita sa viral video kahapon na pinaiihip ng birthday cake si Digong, hanggang sa subukang hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng kanilang kasambahay.

"Habang tumatagal, lalong nagiging manyak... The woman visibly evaded Duterte’s lascivious advances," sabi ng Gabriela sa isang pahayag, Lunes.

"Duterte only bared himself as the true epitome of everything rotten in a leader: sexist and unrepentantly misogynist, patently fascist, and hypocritically swimming in privilege while the rest of the Filipino people are mired in crisis and uncertainty."

Nangyari ang insidente kasabay ng kanyang birthday celebration kahapon, kung saan nabatikos ang pangulo sa "pagkukunwaring mahirap" matapos maglagay ng kandila sa isang tasa ng kanin lalo na't may isang buong litson naman sa kanilang hapagkaininan.

Basahin: Palace slams criticism of Duterte's birthday party photographs

Hindi unang beses

Ang nasabing pangyayari ay isa lamang sa mahabang listahan ng kinekwestyong asal ng presidente pagdating sa mga babae.

Taong 2018 nang umamin si Duterte na ipinasok niya ang kanyang kamay sa panty ng kasambahay habang natutulog ang nabanggit noong bata-bata pa siya. Hindi humingi ng tawad si Duterte rito.

Una nang sinabi ng Philippine Commission on Women na dismayado sila sa ginawa ng presidente lalo na't dapat na "itinataguyod ng mga opisyal ang dignidad ng mamamayan, lalo na ng mga kababaihan."

Biglaan ring hinalikan ni Duterte noon sa entablado ang isang Pinay habang bumibisita sa South Korea, bagay na binatikos din nang marami. Iniutos din noon ni Digong na "barilin sa [ari]" ang mga babaeng miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA).

Kaugnay na balita: Duterte story about touching sleeping househelp not obscene — Palace

Basahin: Women’s commission slams officials who ‘perpetuate misogyny’

'Walang malisya,' depensa ng Malacañang

Dinepensahan naman ng Palasyo ang mga paratang laban kay Duterte at minaliit ito, habang sinasabing "nakikipagbiruan" lang daw siya sa babae sa video.

"'Yung sinasabi niyong panghihipo, matagal na niyang kasambahay iyon," banggit ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing kanina.

"Alam mo naman talagang palabiro ang ating presidente, pero wala pong malisiya iyon dahil nakaharap naman doon si ma'am Honeylet [Avancena]."

Sinabi ito ni Roque kahit walang kaugnayan ang "tagal ng pagkikilanlan" sa isyu ng sexual assault. — James Relativo at may mga ulat mula sa The STAR

BIRTHDAY

GABRIELA

GROPING

HARRY ROQUE

RODRIGO DUTERTE

SEXUAL ASSAULT

WOMEN'S RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with