Bagong hawa ng COVID-19 sa 'Pinas lagpas 10,000 na, pinakamataas sa iisang araw

Bumper-to-bumper traffic along Marcos Highway at the boundary of Marikina and Antipolo cities in Rizal as police flag down motorists on the first day of the reimplementation of enhanced community quarantine in Metro Manila and nearby provinces on Monday, March 29, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,016 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Lunes, kung kaya nasa 731,894 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 731,894
  • nagpapagaling pa: 115,495, o 15.8% ng total infections
  • bagong recover: 78, dahilan para maging 603,213 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 16, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 13,186

Anong bago ngayong araw?

  • Matapos ang serye ng record highs, pinakamataas na naman sa kasaysayan ng Pilipinas ang single-day COVID-19 infections ngayong araw sa bilang na 10,016. Nalampasan na nito ang pinakamataas na bilang na  9,838 noong Biyernes.
     
  • Wala pa ring plano ang gobyernong magpatupad ng COVID-19 "mass testing" sa ngayon kahit na ilang araw nang sunud-sunod ang record-breaking single-day COVID-19 cases, bagay na "hindi pa" raw nagagawa sa kahit na anong bansa, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario

    Vergeire kanina: "Wala po tayong plano na mag-mass testing ano. The government, since the start of this pandemic, has never advocated for mass testing kasi minsan nali-link talaga 'yan sa indiscriminate testing," ayon sa DOH official kanina.
     
  • Nakatakda namang dumating sa Lungsod ng Pasay ang karagdagang 1 milyong doses ng CoronaVac vaccines laban sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, bagay na galing sa Chinese manufacturers na Sinovac.
     
  • Pinayagan naman na ni House Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Health na magsagawa na ng inquiry "in aid of legislation" sa desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na ipagamit ang anti-parasitic drug na "Ivermectin" bilang panlaban diumano sa COVID-19 infection.
     
  • Samantala, kinumpirma naman ni Vergeire na nagsimula na ang COVID-19 vaccination para sa mga hindi healthcare workers.

    Aniya, pwede na ring turukan ang mga senior citizens at mga may comorbities sa ngayon. Gayunpaman, idiin ng DOH at epidemiologist na si Dr. John Wong na hindi lahat ng may underlying condition ay prayoridad sa ngayon kundi 'yun lamang munang may chronic respiratory illenesses, hypertension, cardiovascular disease, chronic kidney disease malignancy, diabetes mellitus at obesity.
     
  • Umaabot na sa halos 126.4 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, mahigit 2.8 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Show comments