MANILA, Philippines — Isa na namang lider-obrero ang pinaslang ngayong buwan sakto sa pagsisimula ng Holy Week o Mahal na Araw — sa pagkakataong ito, pinuno naman ng regional labor center ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Timog Katagalugan.
Ika-28 ng Marso nang barilin hanggang mamatay si Dandy Miguel, vice chairperson ng PAMANTIK-KMU, sa Calamba, Laguna tatlong linggo matapos ang "Bloody Sunday" CALABARZON killings na ikinamatay ng siyam na aktibista.
Related Stories
URGENT ALERT!
(Developing; cw: gunshots)
Tatlong linggo matapos ang #BloodySunday, binaril ngayong gabi si Dandy Miguel, vice chairperson ng PAMANTIK-KMU sa kalsada ng Asia 1, Canlubang, Calamba, Laguna. pic.twitter.com/6E0ipv8b8f— PAMANTIK KMU (@pamantik_kmu) March 28, 2021
"The Commission on Human Rights is one with labor rights groups in decrying this latest spate of violence against rights defenders," ani Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng Commission on Human Rights (CHR), Lunes.
"As we have repeatedly asked, the escalating situation of violence and harassment against union leaders and activists calls for urgent action and tangible measures."
Basahin: Three weeks after bloody Calabarzon raids, labor leader shot dead in Laguna
Kaugnay na balita: 9 aktibista sa Calabarzon hindi dapat pinatay ng PNP kung 'di armado — Palasyo
Nananawagan ngayon ang komisyon sa lahat ng mga ahensya — kasama ang Konggreso, Department of Justice at Department of Labor and Employment — na bigyan ng atensyon ang "paglapastangan" sa karapatang mabuhay seguridad at rule of law.
Dagdag pa ni De Guia lalo na sa gobyerno na magnilay sa pagkasagrado ng buhay: "Justice must be delivered to the victims. Violence in communities must be reduced, if not eliminated at all. In this week of solemnity, we ask for the ceasing of operations and crackdowns against rights defenders," wika niya.
"We send our heartfelt condolences and prayers to the family and friends of Dandy." Inatasan na sa ngayon ng CHR Region IV-A ang kanilang investigation team para magsimula ng independent probe sa kaso hanggang sa tuluyan itong malutas.
Nangyari ang nasabing pagatay habang nakasailalim sa mas mahigpit na "NCR Plus bubble" ang Laguna, bagay na ginagamit ngayon ng Philippine National Police (PNP) para magpatupad ng health and safety protocols laban sa COVID-19.
KMU: Habang birthday ni Duterte, 'nagpapapatay siya'
Labis namang ikinagalit ng mga manggagawa at staff ng KMU national office ang pagpatay kay Miguel, na kilala ring presidente si Miguel ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Fuji Electric Philippines (Olalia-KMU) sa Laguna. Aniya, kasuklam-suklam at nangyari ito sa parehong birthday ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo.
"Habang nasa piging si Duterte sa kanyang kaarawan, umatake ang mga pasista batay sa kanyang utos na patayin ang mga 'kaliwa.' Matapos ang Bloody Sunday, panibagong kaso ito ng brutal na pagsalakay sa mga lehitimong lider at kasapi ng organisasyon na biktima ng red-tagging," ani Jerome Adonis, secretary General ng KMU.
"Ilang linggo lang ang nakalipas, kasama namin si Ka Dandy sa pagsampa ng mga reklamo ng paglabag sa karapatang pantao sa CHR. Inilahad niya na magmula 2019, lumalala at dumadalas ang mga atake sa manggagawa. Ngayon, siya mismo ay naging biktima rin ng ganitong atake."
Kaugnay na balita: Palace slams criticism of Duterte's birthday party photographs
Sabay-sabay naman daw maglulunsad ng candle lighting protests sa iba't ibang pagawaan, opisina at kabahayan ngayong araw kasabay ng malagim na trahedya. Dagdag pa ni Adonis, patunay daw ito na pinagsasamantalahan ng gobyerno ang COVID-19 lockdown para itumba ang mga progresibong "naglalantad ng mga inhustisiya" sa gitna ng pandemya.
Banta noon ni Duterte vs KMU
Pebrero 2016 nang banggitin noon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na noo'y kandidato pa lang, na "papatayin" niya ang mga aktibistang unyonista gaya ng KMU na "posibleng makasira sa kanyang administrasyon."
Basahin: KMU: Duterte showed no respect for workers
Humihingi pa naman ng statement ang PSN sa kapulisan kaugnay ng naturang kaso subalit hindi pa nagpapaunlak ng panayam si PNBP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana.
Mahaba rin ang kasaysayan ng administrasyon, lalo na sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sa panre-redtag at pagtawag sa mga ligal na aktibista bilang mga "front" ng CPP-NPA — bagay na ilang beses nang ikinasawi ng mga progresibo sa kasaysayan.