MANILA, Philippines — Kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang aktor at dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph "Erap" Estrada, ayon sa kanyang pamilya.
Ang balita ay inanunsyo ng kanyang mga anak na sina dating Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa social media ngayong Lunes.
Related Stories
"Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital," ani Ejercito sa kanyang Twitter post ngayong umaga.
"Please pray for all those who are likewise fighting this virus."
Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital.
— JV Ejercito (@jvejercito) March 28, 2021
Please pray for all those who are likewise fighting this virus. ????????
Ayon kay Jinggoy, isinugod si Erap sa ospital Linggo ng gabi dahil sa kahinaan ng katawan.
"Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling," ani Jinggoy sa Facebook.
Sa aking mga kababayan, Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking ama , na si dating pangulong Joseph Estrada, ay...
Posted by JE Estrada on Sunday, 28 March 2021
Kilalang mabagsik ang COVID-19 lalong-lalo na sa mga senior citizen. Si Estrada ay 86-anyos na.
Matapos mamayagpag sa pinilakang tabing lalo na sa larangan ng aksyon, matatandaang nagsilbi si Estarada bilang senador mula 1987-1992 hanggang naging bise presidente noong 199-1998.
Umupong pangulo si Estrada noong 1998 ngunit agad ding na-impeach noong Nobyembre 2000 dahil sa paratang kaugnay ng "bribery, corruption, betrayal of public trust" at "violation of the Constitution" — hanggang sa tuluyang lisanin ang Palasyo matapos ang Ikalawang Pag-aalsa sa EDSA noong Enero 2001.
Basahin: EDSA II to Erap: Resign
Kaugnay na balita: 'Kahit buhay pa': Ipinatayong puntod ni Erap Estrada ipinasilip
Matapos makulong nang maraming taon, matatandaang nakalaya si Estrada mula sa kanyang detention quarters sa Tanay, Rizal noong Oktubre 2007. Sinubukan niya uling tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 ngunit natalo ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Nagpaabot naman ng kanyang mga panalangin kina Ejercito ang dati niyang kasamahan sa senado na si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng nasabing mga kaganapan.
Oh no! Praying for his quick recovery Bro.
— Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) March 28, 2021
Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), tinamaan na ng COVID-19 ang nasa 721,892 katao sa Pilipinas. Patay na ang 13,170 mula sa bilang na 'yan.