^

Bansa

10-taong kulong na parusa vs 'red-taggers' isinulong sa Senado

James Relativo - Philstar.com
10-taong kulong na parusa vs 'red-taggers' isinulong sa Senado
Protesta ng mga militanteng grupo sa tapat ng Senado kasabay ng pagdinig ng committee on national defense and security sa isyu ng red-tagging
The STAR/KJ Rosales, File photo

MANILA, Philippines — Itinutulak ngayon sa Senado ng isang mambabatas ang tuwirang pagpapakulong sa mga taong gobyerno na basta-bastang mag-uugnay sa sinumang indibidwal o grupo sa mga rebeldeng komunista gaya ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA), bagay na maaaring umabot ng hanggang 10 taon.

Sa isang pahayag, Huwebes, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na inihain niya ang Senate Bill 2121 para gawing krimen na ang red-tagging. Aniya, layon nitong ayusin ang "legal gaps" at ma-institutionalize ang accountability.

"Any person found guilty of red-tagging shall be imprisoned for 10 years and shall suffer the accessory penalty of perpetual absolute disqualification to hold public office," ayon sa panukala.

"The passage of this bill will reverse the 'increasingly institutionalization and normalization of human rights violations' and put a stop on the attacks against the members of the legal profession," ani Drilon sa explanatory note ng bill.

  • Definition ng "red tagging": Ito ang pagbabansag, paninira, pag-aakusa, panggigipit, at pagka-"caricature" sa mga indibidwal o grup[o bilang maka-Kaliwa, subersibo, komunista o terorista bilang bahagi ng programang kontra-insurhensya ng sinumang "state actor."
  • State actors? Sinu-sino 'yun?: Ayon sa bill, tinutukoy nito ang mga law enforcement agents, paramilitary at sundalo.

Paliwanag ni Drilon, na isa ring abogado, hindi sa-swak ang libelo o grave threat sa tuwing tinatawag na "enemy of the state" ang mga tao gaya ng ilang aktibista, lalo na't natatapakan ang karapatan ng ilan.

Sa ilalim ng batas, hindi iligal maging komunista o miyembro ng CPP. Gayunpaman, rebelyon ang ikinakaso sa mga armadong NPA. Malaya naman ang Anti-Terrorism Council na mag-designate sa mga tao bilang mga "terorista" sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2021 habang ang pormal na pagbabawal o "proscription" ay nasa Court of Appeals.

Kaugnay na babasahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?

'Red-tagging, nakamamatay'

Wika ni Drilon, ilang beses nang nagresulta sa mga banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga tao ang villification campaign ng gobyerno — ang iba, namatay na nga sa proseso.

"It has resulted in serious human rights violations such as harassments, arbitrary arrests, detentions, and enforced disappearances... In some instances, being red-tagged is a prelude to death," dagdag niya.

Basahin: CHR warns of grave implications of red-tagging groups

Ilan sa mga napatay matapos ma-redtag ay ang human rights activist na si Zara Alvarez noong ika-17 ng Agosto, 2020. Isa siya sa mga itinuturong "terorista" diumano ng estado.

Pinangalanan din bilang CPP member ang doktor na si Mary Rose Sancelan sa Guihulngan City, Negros Oriental hanggang tuluyang ma-assasinate. Siya ang ikaanim na namatay sa isang ipinalabas na listahan.

Ilang beses nang ni-redtag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at kapulisan ang ilang media outfits, human rights workers, youth groups atbp., habang tinatawag silang kaalyado, miyembro o "mouthpiece" ng CPP-NPA. Gayunpaman, tinatawag lang itong "truth-tagging" ng Palasyo.

Basahin: NTF-ELCAC spox baselessly red-tags CNN Philippines for sharing student org's donation drive

Kaugnay na balita: Law enforcers caught red-tagging under anti-terror bill won't be tolerated — DILG

Kinukuha pa naman ng PSN ang panig ng Philippine National Police pagdating sa panukalang batas, ngunit hindi pa rin nagpapaunlak ng panayam. Gayunpaman, una na nilang sinabing "hindi nila ito kukunsintihin."

ACTIVISM

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

FRANKLIN DRILON

HUMAN RIGHTS

NEW PEOPLE'S ARMY

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with