^

Bansa

Fort Bonifacio sa Taguig no. 1 sa COVID-19 cases simula last week sa bansa — OCTA

James Relativo - Philstar.com
Fort Bonifacio sa Taguig no. 1 sa COVID-19 cases simula last week sa bansa — OCTA
Larawan ng ilang gusali sa Bonifacio Global City (BGC), bagay na matatagpuan sa baranggay Fort Bonifacio, Lungsod ng Taguig
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Isang baranggay mula sa Lungsod ng Taguig ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong coronavirus disease (COVID-19) cases mula noong nakaraang linggo, ayon sa monitoring report na inilabas ng ilang mananaliksik ngayong Huwebes.

Mula ika-18 hanggang ika-24 ng Marso, 2021, baranggay Fort Bonifacio sa Taguig ang may pinakamaraming new COVID-19 cases sa buong Pilipinas sa bilang na 342. 

Sa top 52 barangays na itinala ng OCTA Research Group, kung saan "tie" sa parehong mga pwesto ang ilan, kapansin pansin na karamihan ay mula sa Metro Manila.

"Four [of the 52] barangays are in Rizal while the rest are in [National Capital Region]," sambit ng OCTA Research Group.

Parehong nasa "NCR Plus bubble" ang Kamaynilaan at probinsya ng Rizal sa ngayon, dahilan para pagbawalan ng gobyerno ang paglabas-masok doon kung hindi naman para sa mahahalagang bagay gaya ng trabaho ang gagawin para apulahin ang record-high infections isang taon matapos pumasok ang COVID-19 sa Pilipinas noong 2020.

Kaugnay na balita: Palace: Non-essential travel suspended in and out of Metro Manila, nearby provinces

Ilan sa top 10 barangays pagdating sa COVID-19 cases ang:

  • Fort Bonifacio, Taguig City (342)
  • Barangay 76, Pasay City (309)
  • Barangay 183, Pasay City (251)
  • Pio del Pilar, Makati City (240)
  • Commonwealth, Quezon City (194)
  • Batasan Hills, Quezon City (180)
  • San Antonio, Makati City (173)
  • B. F. Homes, Paranaque City (170)
  • Holy Spirit, Quezon City (168)
  • Culiat, Quezon City (166)

Apat na Rizal areas na pinakamatitindi ang hawaan sa listahan: San Isidro, Cainta (164); San Andres (Pob.), Cainta (147); San Juan, Cainta (123); Mayamot, Antipolo City (119)

 

 

'NCR Plus bubble' may tagumpay na ba vs COVID-19?

Kapansin-pansin sa report na bumaba nang kaonti ang reproduction number sa NCR, o 'yung bilang ng taong kayang hawaan ng iisang COVID-19 positive person — mula 1.99 patungong 1.91 noong ika-24 ng Marso.

"It is too early to tell if this is the beginning of a hoped-for downward trend in the reproduction number, given that the NCR was placed under the GCQ bubble," dagdag pa ng researchers.

"The number of new Covid-19 cases in the NCR averaged 3,804 per day over the past week, an increase of 61% compared to the previous week."

NCR critical level ang ICU occupancy: Lumalabas ngayon na pumalo na sa 71% ang occupancy ng COVID-19 cases sa mga intensive care units sa Metro Manila, mas mataas sa critical level ng 70%. 

Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na target ng gobyerno na mabawasan ng 25% ang COVID-19 cases sa pamamagitan ng NCR Plus bubble restrictions, kung saan ibinabawal na ang mga mass gatherings at mga misa. Hanggang 10 tao lang din ang pwede ngayon sa mga kasal, binyag at funeral services sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna. 

Basahin: 25% na bawas sa COVID-19 cases target gamit ang 'NCR Plus bubble' restriction

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, umabot na sa 684,311 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na 'yan, patay na ang 13,039.

DEPARTMENT OF HEALTH

FORT BONIFACIO

NOVEL CORONAVIRUS

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with