Sputnik V vaccine mabisa sa seniors – solon

Ito ang inihayag ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes matapos ang kanyang pasasalamat sa Food and Drug Administration (FDA) sa pagkakaloob ng emergency use authorization (EUA) sa Sputnik V.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mabisa sa mga nakatatanda o senior citizens ang bakuna ng Russia na Sputnik V.

Ito ang inihayag ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes matapos ang kanyang pasasalamat sa Food and Drug Administration (FDA) sa pagkakaloob ng emergency use authorization (EUA) sa Sputnik V.

Ipinunto ni Robes, sa ginanap na pagpupulong noong nakaraang buwan ng Committee on People’s Participation kung saan siya ang tumatayong chairperson, inilahad ng mga opisyal ng embahada ng Russia, partikular ni Minister-Counsellor at Deputy Chief of Mission Vladlen Epifanov na kinumpirma ng respetadong British medical journal na Lancet na ang efficacy rate o bisa ng Sputnik V sa mga may edad na 60-pataas ay umaabot sa 91.8 porsiyento.

Idinagdag pa ni Robes na kinumpirma rin ng Lancet Journal na sa 98 na tumanggap ng bakuna ng Sputnik V ay tumaas ang immune response ng mula 1.3 hanggang 1.5 na mas mainam kumpara sa tinamaan ng Covid-19.

“That is I am so happy that Sputnik has finally been given EUA by the FDA. Sputnik V will be a great addition to our vaccine efforts so we can cover not only 20 percent of our population but all Filipinos,” ani Robes.

Noon pang nakaraang taon nagsagawa ng serye ng pakikipagpulong si Robes kaugnay sa paglikha ng bakuna para sa Covid-19 nang aprubahan ng Russia ang Sputnik V, ang unang bakunang na-aprubahan laban sa nakahahawang sakit, sa layuning makabili nito ang Pilipinas.

Show comments