Prusisyon sa Semana Santa kanselado

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP) na kanselado ang mga pagdaraos ng prusisyon para sa Semana Santa.

Sinabi ni Father Jerome Secillano, tagapagsalita ng CBCP, na kahit hindi pa tumataas ang kaso ng COVID-19 ay wala sa plano nila na magdaos pa ng mga prusisyon dahil alam naman nila na patuloy pa ang banta ng virus.

Tiniyak din ni Secillano na lahat ng simbahan ay nakakatugon sa ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan dahil sa pandemya.

Wala pa rin naman aniya silang nabalitaan na may mga pasyenteng nahawa ng virus sa pagtungo sa mga simbahan.

Show comments