Sinehan, iba pang negosyo sinuspinde sa GCQ areas
MANILA, Philippines — Upang mapababa ang bilang ng may COVID-19 sa bansa, pansamantalang sinuspinde ng gobyerno ang operasyon ng mga sinehan at iba pang uri ng negosyo sa mga lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa sinehan, suspendido rin ang operasyon ng mga driving schools, videos at interactive game arcades, mga libraries, museums at cultural events.
Ang mga meeting, incentives, conferences at exhibitions events ay magiging limitado sa essential business gatherings at hanggang 30 percent venue capacity lamang ang papayagan.
Ang mga religious gatherings ay kailangang sumunod sa maximum 30 percent ng venue capacity ng walang pagtutol o objection mula sa lokal na pamahalaan.
“Binibigyan discretion din ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang venue capacity ng hindi lalampas ng 50 percent base sa mga kondisyon sa kanilang mga lugar,” ani Roque.
Binawasan din ang venue capacity ng mga dine-in restaurants, cafes, personal care services sa maximum 50 percent capacity.
“Panglima, hinihikayat ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan na ipagpaliban muna ang non-critical activities kung saan magkakaroon ng mga pagpupulong-pulong or mass gatherings,” dagdag ni Roque.
Suspendido na rin ang mga operasyon ng sabong at sabungan kahit pa sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ).
- Latest