Pag-ubo ni Duterte hindi cancer – Malacañang
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na hindi itatago sa publiko sakaling may sakit o cancer si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos umubo kamakalawa si Duterte habang nagtatalumpati at sinabing “baka cancer na ang p***** i**!”. Na
Ayon kay Roque, hindi dapat seryosohin ang pagbibiro ng Pangulo at walang dapat ipag-alala ang publiko.
“On the basis of what I saw on TV, I would say nagbibiro ang Presidente. Kasi naubo nga po siya tapos sabi niya baka cancer na ito. I think that is really a joke of the President and should not be taken to mean na may cancer na talaga siya,” pahayag ni Roque.
Sinabi rin ni Roque na bilang abogado, alam ng Pangulo na kailangan niyang ipaalam sa publiko kung may seryoso siyang karamdaman.
Nakikita rin naman aniya ng publiko ang mga aktibidad ng Pangulo.
- Latest