Pinoy nakatakdang lusungin 'ika-3 pinakamalalim na lugar sa mundo'

Larawan ng microbial oceanographer na si Dr. Florence Onda
Mula sa Facebook account ni Deo Florence L. Onda

MANILA, Philippines — Isa na namang Pilipino ang nakatakdang gumuhit ng kasaysayan sa susunod na linggo dahil sa kanyang paparating na deep sea exploration kasama ang iba pang siyentista.

Target nina Dr. Florence Onda, microbial oceanographer ng UP The Marine Science Institute, na makasama sa mga unang tao — at unang Pilipino — na makapupunta sa "Emden Deep" ng Philippine Trench mula ika-22 hanggang ika-28 ng Marso, 2021.

  • Gaano kalalim 'yon?: Ang Emden Deep ay sinasabing 10,400 metro (o 34,100 feet) ang lalim, bagay na mararating ni Onda sakay ng "DSSV Pressure Drop." Ito lang ang marine vessel na kayang magpaulit-ulit na lumusong sa pinakamalalalim na karagatan ng mundo nang may sakay na tao.

"Deep sea expeditions like this one are equivalent to the first early flights into outer space, thus it would be a major record-setting scientific and historic achievement," ayon sa pahayag na inilabas ng UP MSI nitong Miyerkules.

"To date, most of these records are held by foreign scientists or explorers. The Philippine Trench is a unique feature found within the EEZ of the Philippines, and it is only appropriate that a Filipino scientist be one of the first to hold this record in the Emden Deep."

  • Sinong mga kasama niya?: Inimbitahan si Onda ng Caladan Oceanic para sa misyon. Kasama niyang lulusong dito si Victor Vescovo, na record holder para sa deepest manned descent sa Marianas Trench noong 2019.

#DefendUP

Posted by Deo Florence L. Onda on Thursday, June 4, 2020

Watawat sa Emden Deep?

Kasama sa mga goal ng ekspedisyon ang maiwagayway ang watawat ng Pilipinas sa Emden Deep habang isinasagawa ang record-setting voyage na ito. 

"Dr. Onda, as the sole Filipino researcher representing the country, will also be given a unique opportunity to be exposed to state-of-the-art vessels capable of deep-sea activities, which can enrich our experiences and knowledge as the Philippines builds its own National Academic Research Fleet (NARFleet), an ongoing national project funded by the Philippine Government," patuloy ng UP MSI.

Paniwala ng mga mananaliklsik, mahihikayat nito ang marami pang kabataang Pilipino na magtrabaho sa larangan ng agham, at para na rin maitaguyod ang pagtatanggol ng likas-yaman ng bansa.

Kasalukuyang nakasakay si Onda sa DSSV Pressure Drop at magsisimulang maglakbay mula sa pantalan ng Guam patungong Philippine Trench. — James Relativo

Show comments