^

Bansa

Foreigners, non-OFWs bawal muna pumasok sa Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Foreigners, non-OFWs bawal muna pumasok sa Pinas
Madalang na ang dumarating na pasahero sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City. Simula sa Marso 20 hanggang Abril 19 ay hindi muna papayagan ang mga dayuhan at mga Pinoy na hindi OFW na pumasok sa bansa dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi muna papayagang pumasok sa bansa ang mga dayuhan at mga Pinoy na hindi kabilang sa kategorya ng overseas Filipino workers (OFWs) simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.

Inilabas ang kautusan ng National Task Force against COVID-19 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 at iniiwasang mapuno ang mga qua-rantine facilities.

Pero may mga exemptions aniyang ibinigay ang NTF o mga papayagang pumasok sa bansa kabilang ang mga may hawak ng 9(c) visas, medical repatriation, distressed returning Overseas Filipinos, emergency at humanitarian cases.

Lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno ay inatasan na limitahan ang bilang ng inbound international passengers o iyong papasok sa Pilipinas sa 1,500 kada araw.

Ayon sa datos, nasa 1,200 ang pumapasok na OFWs sa bansa kada araw. Kailangan aniya ang “decisive action”  na ito para hindi kumalat ang virus at mga variants nito.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with