COVID-19 'active cases' sa bansa pinamalaki mula ika-26 ng Setyembre, 2020

Minamanmanan ng pulis ang mga residenteng nagtutungo sa komunidad na nasa ilalim ng strict quarantine measures sa Lungsod ng Pasay, ika-16 ng Marso, 2021
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,387 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, dahilan para tumalon sa kabuuang 635,698.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para sa araw na ito:

  • lahat ng kaso: 635,698
  • nagpapagaling pa: 61,733, o 9.7% ng total infections
  • bagong recover: 374, dahilan para maging 561,099 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 18, na siyang nag-aakyat sa local death toll sa 12,866

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw naitala sa Pilipinas ang pinakamaraming bilang ng pasyenteng nagpapagaling pa rin (61,733) sa COVID-19 sa loob ng halos kalahating taon. Huling mas mataas ang active cases diyan noong ika-26 ng Setyembre, 2020. 172 araw na ang nakalilipas mula noon.

 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Show comments