COVID-19 'active cases' sa bansa pinamalaki mula ika-26 ng Setyembre, 2020
March 17, 2021 | 4:12pm
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,387 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, dahilan para tumalon sa kabuuang 635,698.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para sa araw na ito:
- lahat ng kaso: 635,698
- nagpapagaling pa: 61,733, o 9.7% ng total infections
- bagong recover: 374, dahilan para maging 561,099 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 18, na siyang nag-aakyat sa local death toll sa 12,866
Anong bago ngayong araw?
- Ngayong araw naitala sa Pilipinas ang pinakamaraming bilang ng pasyenteng nagpapagaling pa rin (61,733) sa COVID-19 sa loob ng halos kalahating taon. Huling mas mataas ang active cases diyan noong ika-26 ng Setyembre, 2020. 172 araw na ang nakalilipas mula noon.
- Sabi ni Alethea de Guzman, OIC Director III ng DOH Epidemiology Bureau, bumabalik na sa peak ng Hulyo 2020 ang COVID-19 infections ngayon sa Pilipinas. Kaugnay niyan, 2.5x na mas mataas daw ang mga kaso ngayong Marso kumpara noong simula ng Enero 2021.
- Kanina lang nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na plano ng gobyerno magbakuna ng 450,000 katao araw-araw laban sa COVID-19 pagsapit ng buwan ng Abril.
- Sa kabila ng mga bagong pagtaas sa kaso, sinabi rin ni Duque na ayaw pa muna nilang irekomenda "sa ngayon" ang mahihigpit na lockdown sa buong Metro Manila. Gayunpaman, posibleng imungkahi ito kung hindi magbago ang pagtaas o lalo pang dumami ang infections.
- Isasara naman nang dalawang araw ang lahat ng korte na nasa loob ng Manila City Hall, Ombudsman at Masagan Building dahil sa pagtaas ng mga COVID-19 cases. Isasagawa ito mula Huwebes hanggang Biyernes para sa fogging at misting procedures.
- Umaabot na sa halos 120 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, mahigit 2.7 milyon na ang patay.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended