MANILA, Philippines — Malamang na pumalo sa 11,000 kada araw ang kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas kung ang kasalukuyang trend ay magpapatuloy batay sa pahayag ng OCTA Research Group.
Unang tinaya ng grupo ang projected daily cases hanggang 8,000, pero ang reproduction rate o ang bilang ng mga taong infected ng virus ay tumataas sa 2.03.
“Right now, the numbers that you mentioned, 8,000 to 9,000, they have now been upped to about 10 to 11,000 by the end of this month unfortunately,” pahayag ni Guido David, miyembro ng OCTA Research team.
Sinabi ni David na ang outbreak ay nagsimula sa Pasay, Malabon, at Navotas hanggang sa kumalat na sa maraming lugar sa Metro Manila.
Mataas din anya ang pagtaas ng kaso sa mga lalawigan na malapit sa lNational Capital Region tulad sa Rizal, Cavite, at Bulacan. Sa Cebu City anya na bumaba ang kaso ay nakakakita ngayon ng bahagyang pagtaas.
Sinabi ni David na ang pagdami ng mga lumalabas na tao at pagbaba naman ng pagsunod sa health protocols ang ugat ng pagdami ng kaso.
Nitong Lunes, nakapagtala ang Department of Health ng 5,404 bagong kaso ng COVID-19.