MANILA, Philippines — Nagdiriwang nga-yon ng ika-35 taong anibersaryo ang Pilipino Star NGAYON bagama’t sa gitna ng COVID-19, pero pinahintulutan ng Panginoon hindi lang upang maka-survive ang PSN; kundi sa gitna nang laban ng pandemia ay maging No. 1 tabloid best newspaper ng bansa.
Kaya naman buong pusong nagpapasalamat ang PSN sampu ng mga empleyado at ng aming pamilya sa pangunguna ni Sir Miguel G. Belmonte sa ating mga advertisers, dealers, pahenante, newsboy, at higit sa lahat sa aming dear readers na walang sawa na tumatangkilik at hindi bumitaw sa pahayagang ito sa loob ng tatlong dekada. Higit pa ngayong pandemic time ay naitatawid ang PSN sa inyong mga tahanan, kaya utang na loob po namin sa inyo ang biyayang ito.
Samantala, sa pagbabago ng mundo dahil sa Covid-19, mas naging mahigpit ang labanan pagdating sa pamamahayag ng pagbabalita. Ngunit hindi naman nagpahuli ang PSN dahil sumabak din ang kompanya virtually kahit noon pa man sa paghahatid ng impormasyon at pagbabalita. Kung digital din ang pag-uusapan, trending pa rin ang PSN online platform tulad ng Facebook Live, PSN YouTube Channel, at sa Twitter world.
Kung kaya naaabot pa rin ang mga rea-ders hindi lang dito sa ‘Pinas, kundi maging saan sulok ng mundo.
Instant click ay nababasa agad ang mga information na pino-post sa PSN online.
Ang bagong digital project ng PSN ay ang E-paper. Maaari nang mabasa ang buong diyaryo ng PSN sa inyo mismong tablet, computer, iPad, iPhone, at kahit sa ibang mga Android devices. Bale ba, mismong replica ng diyaryong PSN ang masisilayan mula sa mga maiinit na balita, isyu, entertainment news, libangan, at sports kahit saan man kayo naroroon. Sa mga nais mag-subscribe ng E-paper ay mag-click lamang sa philstarsubscribe.com.
Oh ‘di ba, number one pa rin ang PSN sa pagbibigay serbisyo maging sa digital platform. Hindi naging balakid ang pandemic sa pag-aabot ng balita upang makarating ang PSN sa ating mga avid readers. Muli, salamat po sa inyong pagtitiwala. Happy anniversary sa ating lahat.