Bagong hawa ng COVID-19 sa 'Pinas nasa 4,578, pinakamataas sa 180 araw
March 12, 2021 | 4:00pm
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng dadag na 4,578 bagong kaso ng coronavirus disease ngayong Biyernes ang Department of Health, kung kaya't napatalon na sa 546,912 ang nahahawaan nito ngayon sa Pilipinas.
Batay sa mga sariwang datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga numero para araw na ito:
- lahat ng kaso: 546,912
- nagpapagaling pa: 52,012, o 8.5% ng total infections
- kare-recover lang: 272, dahilan para maging 546,912 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 87, na siyang nag-aakyat sa local death toll sa 12,694
Anong bago ngayong araw?
- Ngayong araw ang pinakamataas na single-day reported increase sa COVID-19 cases magmula pa noong ika-14 ng Setyembre 2020. Halos anim na buwan nang hindi lumapampas sa 4,000 ang new infections sa Pilipinas.
- Record-breaking din ang itinalon ng aktibong kaso ngayong araw matapos nitong umakyat sa 52,012 — pinakamarami magmula pa noong ika-17 ng Oktubre, 2020.
- Sa kabila ng mga bagong case surge, naninindigan ang DOH na "mas handa" na ang Pilipinas ngayon sa COVID-19 halos isang taon matapos ideklara ang unang community quarantine laban sa pandemya.
- Samantala, inaprubahan naman ng World Bank at Asian Development Bank ang halos $1 bilyong pondong pautang sa Pilipinas para sa COVID-19 response. Kalakhan dito ay mapupunta sa pagbili ng bakuna ng bansa laban sa virus.
- Dahil sa "kupad" ng COVID-19 immunization ng gobyerno, tinatayang 2033 pa maaabot ng Pilipinas ang sinasabing "herd immunity" laban sa nakamamatay na sakit. 'Yan ang estima kanina ni Sen. Panfilo Lacson dahil sa 114,615 pa lang ang nababakunahan sa nakaraang linggo.
- Pumalo na sa halos 117.8 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 2.61 milyon na ang binabawian ng buhay.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
23 hours ago
Recommended