MANILA, Philippines — Aabot sa halos $1 bilyong utang mula sa international financial institutions ang natiyak ng Pilipinas para punan ang coronavirus disease (COVID-19) response nito.
Manggagaling ito mula sa bagong $400 milyong utang mula Asian Development Bank (ADB) at $500 milyong kaaapruba lang ng World Bank. Kalakhan dito ay mapupunta sa pagbili ng COVID-19 vaccines ng Pilipinas.
JUST IN: The World Bank approves a $500-million loan, or about P24.25 billion, for the Philippines to buy COVID-19 vaccines. | @bworldph
— Bea Laforga (@BeaLaforga) March 12, 2021
Bagama't nasimulan na ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination efforts nito, malaking bulto nito ay donasyon mula sa Tsina (Sinovac) o 'di kaya'y AstraZeneca vaccines galing sa COVAX facility ng ng World Health Organization (WHO). Pilipinas ang unang tatanggap ng financing support mula sa Asia Pacific Vaccine Access (APVAX) ng ADB ngayong araw.
Iniuulat ang bagong COVID-19 loan agreements isang araw matapos maitala ang 3,749 bagong hawa ng COVID-19 nitong Huwebes — ang pinakamataas sa halos kalahating taon.
Tulong sa vaccine procurement ng Pilipinas
"ADB’s support will boost the Philippine government’s urgent efforts to secure and deploy COVID-19 vaccines for all Filipinos, especially those who are vulnerable, such as frontline workers, the elderly, and poor and marginalized populations, as well as those at increased risk of severe illness," ani ADP president Masatsugu Asakawa kanina.
"COVID-19 vaccines are critical to accelerating the recovery of the Philippine economy, rebuilding livelihoods, and restoring quality jobs. With this financing, ADB seeks to help the country save lives and allow Filipinos to return to normal life as soon as possible."
Lahat ng vaccine supply contract na suportado ng ADB ay susunod sa procurement rules and guidelines, para na rin makaiwas sa katiwalian. Sa ilalim ng APVAX (HEAL 2) loan agreement, direkang ADB ang magbabayad sa suppliers.
Sinasabing kahapon inaprubahan ng ADB ang utang, habang ngayong umaga inaprubahan ang utang mula World Bank, na katumbas ng halos P24.25 milyon.
"Inclusive deployment of vaccines in line with the World Health Organization Fair Allocation Framework is critical for preventing grave illness and deaths from COVID-19, opening the economy in earnest, ensuring a resilient recovery, and restoring jobs and incomes," ayon kay Ndiamé Diop, World Bank Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand sa ulat ng ABS-CBN.
Una nang nag-apruba ang World Bank ng $900 milyong utang para sa Pilipinas para suportahan ang dalawang proyekto na layong magtaas ng competitiveness at pagpapabilis ng recovery ng bansa mula sa pandemya at mga sakuna.
Future foreign loans para sa COVID-19 vaccine?
Bukod sa $400 milyon at $500 milyong utang, pending pa rin at hindi naaaprubahan ang karagdagang $300 milyon mula sa Asian Infrastructure Investment Bank, na para rin sa COVID-19 vaccine procurement.
Another $300 million loan from the Asian Infrastructure Investment Bank, also for COVID-19 vaccine procurement, is pending approval @PhilippineStar
— Maureen Simeon (@maureensimeon) March 12, 2021
Sa huling datos na inilabas ng Department of Finance (DOH) nitong ika-15 ng Disyembre, 2020, aabot na sa $12.72 bilyon ang nakakalap ng gobyerno mula ADB, World Bank, AIIB, AFD, JICA, KEXIM-EDCF at USD-denominated global bonds. Sa pondong 'yan, na-disburse na ang $10.77 bilyon.
Una nang sinabi ni Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno nitong Disyembre na kasama sa mga bansang una nang nagpautang sa Pilipinas ang Japan, Estados Unidos, Netherlands at United Kingdom. — may mga ulat mula sa The STAR/Maureen Simeon at BusinessWorld