^

Bansa

DND sa UN rights body, mga aktibista: Tumahimik muna sa patayan sa Calabarzon

James Relativo - Philstar.com
DND sa UN rights body, mga aktibista: Tumahimik muna sa patayan sa Calabarzon
Hawak ng progresibong ito ang larawan ng mag-asawang sina Chai Lemita at Ariel Evangelista na kasama sa siyam na aktibistang napatay sa police operations nitong weekend, ika-7 ng Marso, 2021
Released/Kilusang Mayo Uno

MANILA, Philippines — Dismayado ang Department of National Defense (DND) sa pag-iingay ng United Nations sa "Bloody Sunday" killings ng Philippine National Police (PNP) sa Timog Katagalugan kamakailan habang sinisiyasat pa ng otoridad kung may mga iregularidad dito laban sa mga progresibo.

Basahin: 9 killed in anti-activist raids in Calabarzon

Aniya, "nagsuplong" daw kasi agad sa international community ang mga namatayang aktibista kahit wala pang imbestigasyon sa madugong operasyong ikinamatay ng siyam na militante sa Rizal, Batangas, Laguna at Cavite nitong Linggo.

"Hindi pa nga nag-uumpisa ang imbestigasyon, naka-report na tayo sa United Nations Human Rights at sila ay gumagawa na ng katulad nitong headline na 'to. Nakalagay diyan [sa diyaryo] 'yung... 'Arbitrary killing of activists appalls human body,'" ani Defense Secretary Delfin Lorenzana, Huwebes.

"Siguro hintayin muna natin 'yung imbestigasyon sa atin bago natin isuplong... Ang ginagawa dito sa kabila, ang pagtingin ko, ang kalaban natin ay they are trying to preempt the investigatioon and paint us to be in the wrong, na nagkamali tayo."

Pinag-aaralan pa sa ngayon kung sakop ng  Administrative Order No. 35, s. 2020 ang insidente dahil sa isyu ng political killings, o kung ibibigay na lang sa National Bureau of Investigation (NBI) para na rin maging patas ang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng PNP na hinainan nila ng search warrant ang ilang indibidwal nitong weekend ngunit "nanlaban" daw ang mga nabanggit kaya napatay ang mga aktibista. Ani Lorenzana, maliban sa mga baril, nakitaan daw ng 15 pampasabog, at granada ang mga nasawi.

Pinabubulaanan naman ng Kaliwa ang paratang na armado ang mga nabanggit na noo'y kasama ang kani-kanilang pamilya nang mangyari ang insidente. Ilan sa mga napatay ay si Manny Asuncion, coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan-Cavite.

Ilang araw pa lang nang sabihin ni Ravina Shamdasani, tagapagsalita ng Office of the High Commissioner for Human Rights, na "kakilakilabot" ang sunud-sunod na pagpatay laban sa mga naturang aktibista na kumikilos sa sektor ng manggagawa, mangingisda, katutubo atbp.

"We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and 'red-tagging' of human rights defenders," ani Shamdasani.

Umani ng matinding batikos ang mga nasabing pagpatay sa loob at labas ng bansa nitong mga nagdaang araw, bagay na nagbunsod ng mga pahayag mula sa European Union at Catholic Educational Association of the Philippines.

Basahin: EU reminds Philippines of pledge to ensure accountability for rights abuses after Calabarzon killings

Kaugnay na balita: Bloody police raids normalize death and killings, Catholic schools warn

Naninindigan naman si Lorenzana kanina na walang kinalaman ang serye ng pagpatay, na nauwi rin sa pagkakaaresto ng anim, sa "shoot-to-kill" order ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong mga nagdaang araw.

Aniya, para raw sa mga armadong rebelde gaya ng New People's Army (NPA) ang pahayag na iyon.

"Hintayin muna natin. Let us settle down and well wait for the result of the investigation at nagtitiwala naman ako na kung sino ang mga nagkamali diyan ay mapaparusahan: either the PNP or the Armed Forces," sabi ng DND official.

'Hayaang magluksa ang pamilya'

Nakikiusap naman ang ilang grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na i-release ng katawan ng apat sa siyam na napatay sa insidente, bagay na hawak pa rin daw ng pulis at militar sa Antipolo Funeral Homes.

Ilan sa mga nasabing bangkay ay sina Melvin Dasigao, Mark Lee Bacasno, Puroy dela Cruz at Randy dela Cruz na kasama sa mga napatay noon sa Rizal nang mangyari ang mga operasyon.

"The police must stop this monstrous act and back off. To the Rizal LGUs, do not be fence sitters. Let the families mourn and give the dead dignity. Decisively intervene to the side of the wronged. Correct this injustice at once," ani Elmer Labog, pambansang tagapangulo ng KMU.

"Hindi lingid sa atin ang kahayupan ng AFP-PNP pagdating sa mga pinapatay nila. Ninakaw nila ang mga bangkay nina Randy Echanis, Baby River Nasino, Vilma Salabao ng Baras 5. Binaboy at ipinarada nila ang bangkay ni Jevilyn Cullamat. Walang galang sa buhay, walang galang sa patay. Trademark yan ng pasistang AFP-PNP na lalong pinagtibay ng 'kill-them-all' order ni Duterte."

Kaugnay na balita: Robredo condemns bloody Calabarzon raids: It was a massacre

Matapos ang stand-off sa labas ng punerarya, kani-kanina lang pinayagang pumasok doon ang mga abogado ng National Union of People's Lawyers (NUPL) para makausap ang pamilya ng apat, kasama ang staff ng Commission on Human Rights (CHR) at PNP.

Una nang naibalita na "hino-hostage" ang mga pamilya ng mga napatay sa loob ng punerarya at hindi pinapayagang mapalabas magmula pa kagabi.

"Siguro po, kaya nga po naaantala po 'yung pag-release [ng katawan] is there is a need to subject them to autopsy kasi [standard operating procedures] po 'yan," tugon naman ni presidential spokesperson Harry Roque, na dating human rights lawyer, kanina

"I don't know if there is any harassment po. What is happening is we are investigating and autopsy is part of the investigation so we can prosecute and punish the perpetrators if there are any."

DELFIN LORENZANA

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

UNITED NATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with