Pagpapakalat ng sundalo, pulis ok sa Senado

Ayon kay Sotto, da­pat na pagtiwalaan kung ito ang desisyon ng Inter-Agency Task Force dahil sila ang nakakaalam ng buong sitwasyon at mga statistics.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Suportado nina Se-nate President Vicente Sotto III at Sen. Panfilo Lacson ang plano na muling magpakalat ng mga pulis at sundalo para magpatupad ng quarantine minimum health standards sa gitna ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Sotto, da­pat na pagtiwalaan kung ito ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sila ang nakakaalam ng buong sitwasyon at mga statistics.

Para naman kay Lacson, kita naman ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at ma­katwiran lang na gamitin ng gobyerno ang police power nito para masiguro na maaagapan ang pagkalat ng virus.

Iginiit pa ng senador na nasa ilalim pa rin ng public health emergency ang bansa base sa pro-clamation 922 ng Pa-ngulo at naghihikahos pa rin ang Pilipinas para makarekober sa epekto ng pandemya.

Sinabi pa ni Lacson na dapat makipagtulu-ngan ang mga sibilyan sa mga kautusan at pagsunod sa tamang health protocols na siyang susi para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na ikinokonsi­dera ng ehekutibo na magdeploy ng mga sundalo at pulis para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).

Show comments