MANILA, Philippines — Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.
Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 ng Pebrero, na isa sa mga dahilan ng pag-aakyat ng alert level ngayong Martes.
Maliban diyan, lubha ring umiinit at sumipa ang acidity ng Main Crater Lake. Patuloiy din ang "slight deformation" ng Taal Volcano Island sa ngayon maliban sa "microgravity changes."
"Ang ibig sabihin, maaaring may magmatic activity na pwedeng mauwi o hindi sa pagsabog," ayon sa babala ng Phivolcs sa Inggles, Martes.
"Sa Alert Level 2, hindi pa naman inirerekomenda ang paglikas. Gayunpaman, ipinaaalala sa publiko na Permanent Danger Zone (PDZ) ang Taal Volcano Island at ang pagpasok sa TVI, lalo na sa mga lugar ng Main Crater at Daang Kastila fissure, ay dapat panatilihing ipinagbabawal."
TAAL VOLCANO BULLETIN, 9 March 2021, 08:00 AM
Raising of the alert status of #TaalVolcano from Alert Level 1 (low level of unrest ) to Alert Level 2 (increasing unrest).
For more volcano-related updates, visit: https://t.co/Cq3S0QAOdQ#HandaAngMayAlam pic.twitter.com/dfzHhe0OH5— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) March 9, 2021
TAAL VOLCANO BULLETIN
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) March 9, 2021
9 March 2021
8:00 AM
This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 1 (low level of unrest) to Alert Level 2 (increasing unrest). #TaalVolcanohttps://t.co/kZ3jTe9dgG pic.twitter.com/d1o4ZV25rp
Pinapayuhan din ng state volvanologists ang mga lokal na pamahalaan na patuloy tasahin ang dati nang evacuated barangays sa paligid ng Lawa ng taal para sa mga pinsala.
Pinasusuri din ang accessiblity ng mga kalsada at pinaghahanda ang mga nabanggit kung sakaling magkaroon ng mga panibagong pagkaligalig.
"Dapat ding ipaiwas ng civil aviation authorities ang mga piloto sa paglipad malapit sa bulkan lalo na't posibleng maging magdulot ng peligro sa eroplano ang airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagputok," dagdag pa ng Phivolcs.
Dagdag pa nila, maaaring maging delikado ang wind-remobilized ash. Patuloy naman inoobserbahan ng naturang ahensya ang aktibidad ng Bulkang Taal at agad-agad naman daw ibabalita.
Ika-16 lang ng Pebrero ngayong taon nang magkasa ng mga forced evacuations sa dalawang sitio ng Talisay, Batangas bilang pag-iingat sa mga aktibidad ng bulkan.
Matatandaang ika-14 ng Pebrero, 2020 nang ibaba rin ng gobyerno sa Alert Level 2 ang bulkan matapos nitong mag-alboroto nang husto noong Enero ng taong iyon.
Ika-12 ng Enero nang magbuga ng ash column ang Taal hanggang sa tuluyang magluwa ng lava fountain sa sumunod na araw. Dahil dito, inilikas ang libu-libo at nasira ang maraming kabahayan at establisyamento sa Batangas.
Umabot hanggang Metro Manila ang abo mula roon, dahilan para payuhan ang lahat na magsuot ng n95 masks dahil sa negatibong epekto nito sa kalusugan. — James Relativo