^

Bansa

Posibleng COVID-19 lockdown sa Maynila, bara-barangay lang

Philstar.com
Posibleng COVID-19 lockdown sa Maynila, bara-barangay lang
Litrato ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ika-3 ng Marso, 2021
Releasd/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Inilinaw ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na bara-barangay at hindi buong bayan ang makatitikim ng mga pagsasara kung patuloy na lalala ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa kabisera ng Pilipinas.

Ito ang binanggit ng hepe ng Manila public information office na si Julius Leonen, Lunes, kasunod ng pahayag na binitiwan ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso kanina.

"On the matter of possible lockdowns, to reiterate the Mayor’s directive to the Manila Barangay Bureau: the MBB director has been authorized to issue an order to place certain barangays under lockdown if COVID-19 cases continue to rise within the community," ani Leonen sa media.

"Barangay-level lockdowns will be announced by the Manila Public Information Office at least two days prior to implementation."

Kanina kasi nang banggitin ni Domagoso na hindi siya magdadalawang-isip ibalik sa lockdown ang Maynila kung nagkataaon. Sinabi niya ito habang dumarami ang tinatamaan ng mas nakahahawang COVID-19 variants sa bansa na unang nadiskubre sa South Africa at United Kingdom.

Ngayon pa naman ang ikaapat na sunod na araw na mahigit 3,000 ang dagdag na COVID-19 cases sa bansa magmula pa Biyernes.

"Hindi ako mangingimi na isarado ang Maynila, whether one day, three days or one week if that is the way to protect each and everyone," sambit ng actor-turned mayor sa isang ulat ng UNTV kanina.

"While we adapt to the economic challenges brought about by this dreadful disease, we really must be aggressive in sustaining whatever is left with regard to businesses and available jobs."

Una nang tinabla nina Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Cabinet Secretary Karlo Nograles at presidential spokesperson Harry Roque ang mga panawagang ibalik sa pinakastriktong enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ ang ilang parte ng Pilipinas, at sa halip magpatupad na lang ng localized o granular lockdowns bilang tugon sa surge ng infections.

Lubhang naapektuhan ng mga lockdowns ang ekonomiya ng Pilipinas, dahilan para mabansot ng 9.5% year-on-year ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas noong 2020 — bagay na pinakamalala sa kasaysayan ng bansa.

Umabot na sa 597,763 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa huling tala ng DOH. Sa bilang na 'yan, 12,521 na ang patay.

City hall hindi ila-lockdown

Magpapatuloy naman sa operasyon ang Manila City Hall sa kabila ng pagdapo ng COVID-19 sa apat nilang empleyado.

"Mayor Isko said the four employees are in good hands, under the care of the Manila Health Department," pagtitiyak pa ni Leonen.

"Appropriate measures have already been undertaken by the MHD." 

Sa datos ng MHD, 908 na lang ang nananatiling aktibong COVID-19 cases sa Maynila mula sa kabuuang 29,288. Sa kabila niyan, 815 na mula sa bilang na 'yan ang tigok. — James Relativo

FRANCISCO DOMAGOSO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with