^

Bansa

DOH: Bagong COVID-19 case spikes dahil sa mga 'pasaway', hindi sa 'variants'

James Relativo - Philstar.com
DOH: Bagong COVID-19 case spikes dahil sa mga 'pasaway', hindi sa 'variants'
Tinuturukan ng military healthcare worker na ito ng CoronaVac vaccine ng Sinovac ang isang sundalo, ika-2 ng Marso, 2021
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ayaw pang iugnay ng Department of Health (DOH) ang mga panibagong pagsipa ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa dalawang mas nakahahawang variants ng sakit — aniya, mas dahil daw ito sa mga hindi sumusunod sa minimum health standards.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, matapos ang tatlong araw na sunud-sunod na lagpas 3,000 bagong COVID-19 infections mula Biyernes hanggang Linggo.

Nataon ito sa pagdami ng kaso ng mas nakahahawang COVID-19 variants sa Pilipinas na unang nadiskubre sa United Kingdom at South Africa.

"Ang gusto ko lang din maging klaro sa ating lahat, whatever increase in the number of cases that we are having right now cannot be attributed solely to the variants," ani Vergeire kanina sa isang media briefing.

"The underlying cause of why cases are increasing is the non-compliance to the health protocols that we have. As long as our public would not be able to comply with the minimum health protocols... then nandiyan talaga 'yung posibilidad na dadami nang dadami ang kaso."

Kung titignan ang datos ng DOH mula ika-28 ng Disyembre hanggang ika-2 ng Enero, 1,100-1,200 lang ang average daily increase. Pero noong nakaraang linggo, umabot sa 2,400 ang karaniwang itinatalon ng mga kaso sa isang araw lang.

Ang variant na nadiskubre sa UK (B.1.1.7) na nasa Pilipinas ay may mas mataas na transmissibility gaya ng variant na unang nadiskubre sa South Africa (B.1.351). Ang problema, napapababa ng B.1.351 ang bisa ng ilang bakuna. Una nang sinabi ng ilang pag-aaral na napapababha ng B.1.351 ang efficacy ng AstraZeneca vaccines sa 10%.

Noong nakaraang linggo lang nang iugnay ng OCTA Research group ang bagong surge sa mga naturang variant, lalo na sa pagsirit nito sa Metro Manila. Pero ayaw munang magsalita nang tapos ng DOH.

"Ngayon dumating 'yung variants, it has aggravated the increase in the cases. Halimbawa, ikaw ay hindi nagma-mask at face shield, na-infect ka, eh variant 'yung nakuha mo, so variant na 'yung naipasa mo sa iba. Eh ang variant, higher ang transmissibility," patuloy ni Vergeire.

"Pero kung babalikan natin, ang underlying cause mo is because you did not comply with the minimum health protocol."

Bukas naman daw sa ngayon ang DOH sa mga inilalabas na estimates ng OCTA. Gayunpaman, ayaw ng pamahalaan na tinatakot ang taumbayan sa surges na variant-driven hangga't sinusuri pa ito ng epidemiologists at mga dalubhasa ng gobyerno.

Linggo lang nang lumobo sa 594,412 ang COVID-19 cases sa Pilipinas habang 12,516 dito ang patay na. 

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SOUTH AFRICA

UNITED KINGDOM

VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with