Pinas ‘biggest recipient’ ng bakuna – WHO

Sinabi ito ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng problemang kanilang kinaharap sa pagdeliber nito.
AFP/Justin Tallis

MANILA, Philippines — Ang Pilipinas umano ang pinakamalaking recipient ng bakuna buhat sa COVAX Facility dahil sa inaasahang pagtanggap ng kabuuang 4.5 milyon na AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Sinabi ito ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng problemang kanilang kinaharap sa pagdeliber nito.

“We are happy to note that Philippines is receiving one of the largest consignment of COVAX vaccines. In this first initial consignment, [there’s] 487,000 doses,” ayon kay Abeyasinghe.

Inaasahan na maidedeliber ang kabuuang 4.58 mil­yong doses ng AstraZeneca vaccine mula Marso hanggang Mayo bukod pa sa tatanggapin na 117,000 doses naman ng Pfizer-BioNTech vaccines bago magtapos ang Marso.

Pinaalalahanan ng opisyal ang gobyerno ng Pilipinas na dapat matiyak ang paglalagakan at kapasidad sa pag-rollout ng mga bakuna sa oras na magsidatingan na ang mga malakihang stocks ng bakuna tulad ng nagawa nito sa inisyal na delivery ng Sinovac vaccines.

Show comments