^

Bansa

Malacañang kinastigo pananaksak sa abogado ng petisyon kontra 'terror law'

James Relativo - Philstar.com
Malacañang kinastigo pananaksak sa abogado ng petisyon kontra 'terror law'
Nananawagan ang mga abogadong ito sa Korte Suprema na protektahan ang mga manananggol laban sa karahasan at pagpaslang, ika-20 ng Disyembre, 2020
National Union of Peoples' Lawyers via Bulatlat

MANILA, Philippines — Kinundena ng Palasyo ang sinapit ng progresibong Iloilo human rights lawyer na si Angelo Karlo "AK" Guillen matapos pagsasaksakin nitong Miyerkules ng gabi, bagay na isang pag-atake raw sa rule of law.

"[W]e condemn that attack, in the same manner that we condemn any attack that seeks to violate the right to life," sambit ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong Miyerkules.

"We consider na itong pag-atake po sa isang abogado ay mas karumaldumal dahil inaatake din nila 'yung ating tinatawag na rule of law."

Basahin: Following attack on Iloilo lawyer, NUPL demands government action to stop threats, killings

Kaugnay na balita: ‘Shameless act of state terror’: Groups condemn attack on yet another rights lawyer

Sinabi ito Roque kanina kahit kasama ang biktima sa mga abogado ng 37 grupong kumekwestyon sa Anti-Terrorism Act of 2020 sa korte. Nababatikos ang batas lalo na't nagagamit daw ito laban sa mga kritiko imbis na sa mga terorista.

Kasalukuyang assistant vice president for Visayas si Guillen ng  National Union of People's Lawyers (NUPL), isang grupo na kilalang kritikal sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Kaya nga po inaatasan natin ang lahat nga po ng ating kapulisan, ang ating [National Bureau of Investigation], na imbestigahan ang kasong ito at parusahan 'yung mga tao sa attempt na patayin itong ating kapwa abogado, ang ating kapatid sa ating hanap buhay," ani Roque, na isa ring abogado.

Ayon kay NUPL vice chairperson for Visayas Rene Estopacio, nagtamo ng mga sugat sa mukha at leeg si Guillen ngunit stable na ang lagay sa ngayon. 

Aniya, dalawang maskaradong lalaki ang umabang kay Guillen sa kadalasang pinaparadahan at kumaripas palalyo dala ang bag at laptop ng biktima. Tinitignan din ngayon kung gobyerno ang gumawa ng krimen lalo na't biktima raw ng red-tagging ang nabanggit.

Kinundena din ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagtatangka sa buhay ni Guillen, at tinawag itong "criminality in the highest degree" laban sa mga pro bono lawyers na nagtatanggol sa mga mahihirap. Matatandaang tinulungan ng IBP Iloilo ang abogado na maghain ng piyansa matapos arestuhin noong nakaraang taon para sa pagproprotesta.

Red-tagging kay Guillen

Humihingi naman ng agarang aksyon at impartial investigation sa Commission on Human Rights (CHR) at Korte Suprema ang grupong Karapatan kaugnay sa nasabing krimen.

"We simply cannot dismiss this incident as a petty street crime or robbery. Guillen's attackers obviously had the intent to kill him, targetting him in the head and upper body," ani Karapatan Vice Chairperson Reylan Vergara.

"Atty. Guillen is a young, intelligent, diligent and selfless lawyer who participated in fact-finding missions and provided much needed legal assistance to underprivileged clients, farmworkers, peasants and rights defenders in Panay and Negros."

Banggit pa ni Vergara, Disyembre 2018 nang ikalat daw ang mga larawan ni Guillen sa Iloilo kasama ang iba pa habang pinagbibintangang miyembro ng New People's Army (NPA).

Kasama sa mga nasabing posters ang mga larawan ng pinatay na aktibistang si Jory Porquia at abogadong si Cris Heredia, na nakaligtas din sa pamamaril noogn Setyembre 2019.

"The attempt on Guillen's life becomes another reason for alarm. We are called to defend the defenders, stand by them, because despite fear and threats, they stand with us," patuloy ni Vergara.

P25-M pabuya ng IBP

Naghain naman ngayon ang IBP ng P25 milyong "reward system" ayon sa kanilang national president na si Domingo Cayosa. Maliban pa 'yan sa itinutulak nila ngayong judicial martialo bill.

Wika pa niya, "nakabibingi at nakalulula" ang paulit-ulit na mga insidente gaya na nito.

"Kahit naman paulit-ulit tayo nananawagan, we cannot control the minds of criminals and government officials who are not doing their jobs. Government has the primary duty to protect its citizens from harm and criminality," ani Cayosa sa isang online press conferece kanina.

HARRY ROQUE

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

KILLINGS

LAWYER

NATIONAL UNION OF PEOPLE'S LAWYERS

RED-TAGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with