^

Bansa

Pagpapabaya ng anak sa magulang, nais gawing krimen

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpapabaya ng anak sa magulang, nais gawing krimen
Paliwanag ng Senador base sa ulat ng Commission on Human Rights (CHR) hindi lang nakikita sa Pinas ang isyu ng pang- aabuso sa mga matatanda, disabled at hindi na makalakad na magulang kabilang ang pisikal, seksuwal, psychological, emosyunal at financial abuse, pag-aabandona, pagpapabaya at seryosong pagkawala ng dignidad at respeto.
STAR/File

MANILA, Philippines —  Nakasaad sa Senate Bill 2061, na inihain ni Lapid, pagtitibayin nito ang tungkulin ng mga anak sa kanilang magulang na matatanda na at may mga sakit sa edad na 60-anyos pataas.

Paliwanag ng Senador base sa ulat ng Commission on Human Rights (CHR) hindi lang nakikita sa Pinas ang isyu ng pang- aabuso sa mga matatanda, disabled at hindi na makalakad na magulang kabilang ang pisikal, seksuwal,  psychological, emosyunal at financial abuse, pag-aabandona, pagpapabaya at seryosong pagkawala ng dignidad at respeto.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng karapatan ang matatanda na nanga­ngailangan sa pamamagitan ng kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na maghain ng kaukulang kasong kriminal laban sa kanyang mga anak kapag hindi siya sinuportahan.

Kabilang sa suportang dapat ibigay ay ang tirahan, damit, medical assistance at lahat ng iba pang panga-ngailangan.

Sinumang mapatutunayan, na mag­pabaya ng suporta sa kanilang magulang sa kabila ng kanilang kakayahan  ay  maaari itong panagutin sa krimen at maaaring maparusahan ng arresto menor bilang pinakamababa at arresto mayor bilang pinakamataas.

Habang maaaring umabot sa halagang P200,000 hanggang P500,000, o nasa kautusan ng korte, ang multang ipapataw sa sinumang magpapabaya sa kanilang magulang.

LITO LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with