^

Bansa

Duterte iginiit na hindi tatakbong presidente ang anak na si Sara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte iginiit na hindi tatakbong presidente ang anak na si Sara
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na naaawa siya sa kanyang anak at ang pulitika sa bansa ay kababuyan.
Karl Norman Alonzo/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo bilang pangulo ng bansa ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi pa ni Duterte na naaawa siya sa kanyang anak at ang pulitika sa bansa ay kababuyan.

“Inday Sara is not running. I have really rea­lly put my foot down. Naaawa ako sa anak ko. Ang pulitika dito sa Pili -- kababuyan,” ani Duterte sa briefing sa Tandag City, Surigao del Sur.

Kasabay naman nito, muling binanatan ni Du-terte si dating Sen. Antonio Trillanes III.

“Lalo na si Trillanes pati ‘yong anak kong 16 years old ginawa pa ‘tong drug lord,” dagdag pa nito.

Nagbabala rin si Duterte na dapat magingat kay Trillanes lalo na kung ito ang mauupo dahil ibebenta nito ang mga mamamayan sa demonyo.

“Ito si... Be careful of Trillanes. Be careful of Trillanes. Magbantay kayo. They will sell --- he will sell you to the devil pag ‘yan ang nakaupo, patay. Ako, sabi ko sa mga Pilipino, ‘pag ‘yan ang naging opisyal ninyo, eh ‘di kayo. Walang ginawa, walang hiya iyan sa totoo lang,” ani Duterte.

Nauna rito, sinabi ni Governor Alexander Pimentel na dapat kumbinsihin ni Duterte ang anak o kaya ay si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na tumakbong presidente upang maipagpatuloy ang mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE-CARPIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with