^

Bansa

P21.43-M halaga sa agrikultura winasak ng bagyong 'Auring'

Philstar.com
P21.43-M halaga sa agrikultura winasak ng bagyong 'Auring'
Makikitang lubog ang mga kabahayang ito sa baha matapos tumama ng bagyong "Auring" sa Tandag City, Surigao del Sur, ika-21 ng Pebrero, 2021
AFP/Erwin Mascarinas

MANILA, Philippines — Kahit na lusaw na ang dating bagyong "Auring" na nanalasa sa bansa nitong mga nagdaang araw, milyun-milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura ang iniwan nito, paglalahad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Umabot na sa P21,437,542 ang halagang napinsala ng sama ng panahon sa palay, mais, haigh value crops, palaisdaan, live stock at poultry sa rehiyon ng CARAGA.

Maliban pa 'yan sa P2.8 milyong halaga sa imprastruktura na nasira ng bagyo gaya ng flood control at water facility.

Una nang may naiulat na namatay kaugnay ng bagyo matapos malunod sa probinsya ng Surigao del Norte. 

Apat na katao pa rin ang nawawala hanggang ngayon sa CARAGA matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka.

"The search and rescue [for them is] still on-going," ayon sa pahayag ng NDRRMC ngayong umaga.

Umabot na rin sa 49,947 pamilya ang naapektuhan ng dating severe tropical storm, karamihan pa rin ay galing sa kapuluan ng Mindanao.

Napagkalooban na rin ng P3.21 milyong halaga ng ayuda ang mga nabanggit, bagay na naggaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units sa Northern Mindanao at CARAGA.

"A total of 18, 996 families/69,682 persons  were pre-emptively evacuated in regions VI, VII, VIII, X and CARAGA," patuloy ng NDRRMC.

Pumalo naman na sa 679 ang mga kabahayang napinsala ng bagyo: 226 wasak na wasak habang 453 ang partially damaged.

Martes ng gabi lang nang personal na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tandag City kaugnay ng dinanas ng lugar sanhi ng bagyo, bagay na labis ikinatuwa ni Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel.

"This is the first time in the history of Surigao del Sur or maybe in the Philippines na kayo po mahal na Presidente talaga immediately after the typhoon dumating kayo dito. Maraming maraming salamat po," ani Pimentel.

"Talagang nabigla po kami. Hanggang ngayon hindi ko ma-ano ‘yong feeling ng happiness ng buong katawohan sa Surigao del Sur po." — James Relativo

AGRICULTURE

AURING

CARAGA

DAMAGE

INFRASTRUCTURE

NDRRMC

SURIGAO DEL SUR

TANDAG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with