^

Bansa

DOH: Mon Tulfo posible maparusahan sa smuggled Sinopharm vaccine

James Relativo - Philstar.com
DOH: Mon Tulfo posible maparusahan sa smuggled Sinopharm vaccine
Litrato ni special envoy to China Ramon Tulfo
Mula sa Facebook account ni Ramon Tulfo

MANILA, Philippines — Maaaring humarap sa mga parusa ang isang appointee ni Pangulong Rodrigo Durterte kung mapatutunayang gumamit ng unregistered Chinese coronavirus disease (COVID-19) vaccine na wala pa ring emergency use authorization (EUA), ayon sa Department of Health (DOH).

Umamin kasi sa panayam ng One News nitong Martes si special envoy to China Mon Tulfo na nagturok siya ng smuggled COVID-19 vaccine na ipinuslit ng kanyang "kaibigan."

"[A]s to those people who are using the vaccines without EUA and also suppliers supplying vaccines without EUA, ito po ay iligal at maaari po kayo ma-sanction at mabigyan ng penalties because of this," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Miyerkules.

"'Yung mga ganyan, may lumalabas pa rin ng mga tao na umaamin na nabakunahan sila, ito po ay makakasama sa imbestigasyon."

Sa ilalim ng Republic Act 9711, ipinagbabawal ang importation, pagbebenta, distribution, non-consumer use atbp. ng mga health products na hindi rehistrado sa FDA. Gayunpaman, pinahihintulutan ang COVID-19 vaccines kahit walang rehistro basta may EUA sa panahon ng public health emergency.

May kaukulang multa at parusang kulong ang paglabag sa RA 9711.

Walang EUA ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm. Ang tanging meron nito sa Pilipinas ay ang gawa ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.

"All of these things, kapag nakita natin na hindi ayon sa mga batas na meron tayo dito sa ating bansa, will be considered illegal," patuloy ni Vergeire sa mga reporters.

"Kung sino man 'yung mga kababayan natin o kaya ay distributors or suppliers na nagbibigay ng mga bakunang walang [EUA], magkakaroon ng appropriate investigation. And if there would be violations. Magkaka-sanction po."

Una nang sinabi ni Tulfo na nagpabakuna siya ng Sinopharm vaccine noong 2020 kasama ang ilang government employees.

Gayunpaman, hindi raw siya aamin kung sinu-sino ang nabanggit. Hindi rin daw niya ibubuko kung sino ang iligal na nagpasok ng bakuna sa Pilipinas.

Umamin din si Tulfo na nais niyang maging local distributor nito sa Pilipinas at "wala" raw conflict of interest dito kahit na siya'y government official.

"I now confess to the public: I had myself vaccinated—along with some government officials whose names I won’t mention here—with the Sinopharm vaccine last October. Some members of the Presidential Security Group (PSG) were also injected with the same vaccine," ani Tulfo sa kanyang Manila Times article.

"Don’t ask me where I got the vaccine because I will never tell you."

Una nang nabatikos ang PSG dahil sa kanilang pagbabakuna ng smuggled vaccines noong 2020. Gayunpaman, naninindigan si presidential spokesperson Harry Roque na "hindi iligal" at "kahanga-hanga" ang kanilang ginawa para maprotektahan ang kalusugan ni Duterte.

FDA ipasisilip ang pagtuturok ni Tulfo

Kinumpirma naman ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo na ipabubusisi na nila sa otoridad ang pag-amin ni Tulfo sa kanyang pinaggagagawa.

"We will refer this report to our regulatory enforcement unit para po imbestigahan nila," ani Domingo.

"Kaya nga po iniimbestigahan siya dahil talaga nga pong hindi naman maganda na nalalaman nating may nagpapabakuna na hindi dumadaan sa tamang proseso."

Maliban diyan, sinabi rin ni Domingo na wala pa rin silang nakukuhang kasagutan mula sa hanay ng PSG patungkol sa kanilang iligal na pagpapaturok ng Sinopharm vaccines.

Matatandaang pinatatahimik din ni Duterte ang PSG pagdating sa vaccination issue at huwag makipag-ugnayan sa mga imbestigasyon.

Ginawa ng security group ng presidente ang illegal vaccination bago pa man bigyan ng "compassionate use license" ng FDA ang PSG para sa 10,000 doses ng Sinopharm kamakailan.

Hinihimok naman ngayon ni Vergeire ang mga PSG members na nagturok ng bakuna na makipag-ugnayan sa gobyerno nang malaman kung sinu-sino ang dapat managot sa isyu.

"Kailangan po talagang makipag-cooperate po sa atin especially 'yung mga nabakunahan para malaman po natin kung sino ang mga nag-supply, saan po natin nakuha at anu-ano po bang ahensya ang dapat nating kausapin," ayon sa DOH official. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio, News5 at The STAR

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with