^

Bansa

Eastern Samar hahagipin ng huminang 'Auring'; bagyo baka maging LPA na lang

Philstar.com
Eastern Samar hahagipin ng huminang 'Auring'; bagyo baka maging LPA na lang
Naglalakad ang mga residenteng ito katabi ng mga binahang kabahayan sa Tandag City, Surigao del Sur matapos umapaw ang ilog dulot ng bagyong "Auring," ika-21 ng Pebrero, 2021
AFP/Erwin Mascarinas

MANILA, Philippines — Patuloy na nababawasan ang pwersang dala ng Tropical Depression Auring habang nagbabadya nitong tamaan nang direkta ang kalupaan ng Eastern Samar, ayon sa pagtataya state weather bureau ngayong Lunes.
                         
Bandang 7 a.m. nang mamamataan ang sentro ng bagyong Auring 205 kilometro silangan ng Guian, Eastern Samar habang kumikilos 20 kilometro kada oras hilagang hilagangkanluran.

Meron na lang itong dalang hangin na papalo hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa gitna maliban bugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.              

"[T]he tropical depression may initially make landfall over Eastern Samar in the next 6 to 12 hours as a tropical depression or a remnant low pressure area," sabi sa forecast ng PAGASA pasado 8 a.m.                           

"Moderate to heavy rains over Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Marinduque, Romblon, and Quezon. Light to moderate with at times heavy rains over Aurora and the rest of Visayas, MIMAROPA, and CALABARZON."

Bagama't humina, patuloy na umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Sorsogon
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • Albay
  • Catanduanes
  • silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan) 

Visayas

  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • hilagang bahagi ng Cebu (Balamban, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Consolacion, Liloan, Compostela, Asturias, Danao City, Carmen, Catmon, Sogod, Tuburan, Borbon, San Remigio, Tabuelan, Tabogon, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kasama ang Bantayan at Camotes Islands
  • hilagang bahagi ng Negros Occidental (Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Toboso, Escalante City, Calatrava)
  • silangang bahagi ng Capiz (Cuartero, Dumarao, Ma-Ayon, Pontevedra, Panay, President Roxas, Panitan, Dao, Pilar)
  • silangang bahagi ng Iloilo (Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles, San Rafael, Passi City, Barotac Viejo, Banate, San Enrique) 

Mindanao

  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte

"In the next 24 hours, the combined effects of the Northeast Monsoon and 'AURING' will bring strong breeze conditions with occasionally higher gusts over the areas where Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) #1 is in effect, as well as over Aurora, Quezon, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Batanes, Babuyan Islands, the northern portions of Ilocos Norte and mainland Cagayan, Cuyo Islands, Cagayancillo Islands, and the rest of Visayas and Bicol Region," banggit pa ng PAGASA.

Sa kabila niyan, maliitang pinsala lang ang inaasahang matamo ng mga medium to high risk structures.

Bahagyang pinsala naman sa mga kabahayang yari sa very light materials at exposed communities ang tinatayang magagawa ng bagyo sa ngayon. 

Sa kabila niyan, posibleng mawasak nang husto ang mga palayan na kasalukuyang nasa flowering stage na. — James Relativo

AURING

EASTERN SAMAR

PAGASA WEATHER UPDATES

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with