^

Bansa

Pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila, naitala ng PAGASA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila, naitala ng PAGASA
Batay sa tala ng Pag­Asa, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang umabot sa 19.3 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.
STAR/File

Simula noong Nobyembre

MANILA, Philippines — Naitala ng state weather bureau na PagAsa nitong madaling araw ng Linggo, ang pinakama­lamig na temperatura sa Me­tro Manila simula noong Nobyembre.

Batay sa tala ng Pag­Asa, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang umabot sa 19.3 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Pag­Asa weather forecaster Raymond Ordinario na epekto ito ng hanging amihan.

“Ito ‘yong hangin na ga­ling dito sa mainland Asia o sa mainland China na during this time na spring na kasi. Ibig sabihin, natutunaw na ‘yong ibang yelo so malamig ‘yong ha­ngin na galing sa Tsina na dumidiretso dito sa atin,” paliwanag ni Ordinario.

Samantala, nakapagtala rin naman nang ma­lamig na temperatura sa iba pang panig ng bansa, kabilang ang Baguio City (9 degrees Celsius); Tanay, Rizal (16.5 degrees Celsius); Tugue­garao City (17.7 degrees Celsius); Laoag, Ilocos Norte (16.8 degrees Celsius); Basco, Batanes (17 degrees Celsius); at Benguet (7.9 degrees Celsius).

Nabatid na kalimitang nagtatagal ang panahon ng amihan hanggang ka­tapusan ng Pebrero.

Gayunman, dahil bumubugso pa rin ito ay maaari umanong umabot pa ang malamig na panahon hanggang ikalawang linggo ng Marso.

COLD

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with