^

Bansa

Signal no. 1 itinaas sa 14 lugar sa pagbayo ng bagyong Auring — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 1 itinaas sa 14 lugar sa pagbayo ng bagyong Auring — PAGASA
Bandang 4 p.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 405 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan, Surigao, del Sur, ayon sa PAGASA.
Released/Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines — Lalong dumami ang lugar na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ng state weather bureau sa patuloy na paglapit ng bagyong Auring sa kalupaan ng Pilipinas, Biyernes.

Bandang 4 p.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo 405 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan, Surigao, del Sur, ayon sa PAGASA. Kumikilos naman ito pakanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Kaugnay niyan, Signal no. 1 na sa mga sumusunod na lugar:

Visayas

  • southern Leyte
  • timogsilangang bahagi ng Eastern Samar (Guiuan kasama ang Homonhon Island)

Mindanao

  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte Surigao del Sur
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Davao Oriental
  • Davao de Oro
  • Davao del Norte
  • Davao City
  • Camiguin
  • kanlurang bahagi ng Misamis Oriental (Balingasag, Balingoan, Binuangan, Claveria, Gingoog City, Jasaan, Kinoguitan, Lagonglong, Magsaysay, Medina, Salay, Sugbongcogon, Tagoloan, Talisayan, Villanueva)
  • kanlurang bahagi ng Bukidnon (Cabanglasan, Impasug-ong, Lantapan, Malaybalay City, Malitbog, Manolo Fortich, Maramag, Quezon, San Fernando, Sumilao, Valencia City)

Umiiral o inaasahang iiral ang mga hanging may bilis na 30-60 kph sa mga nasabing lugar sa taas sa loob ng 36 oras.

"The surge of the Northeast Monsoon is already bringing strong breeze to near-gale conditions with occasionally higher gusts over Northern Luzon and the eastern sections of Central Luzon, Southern Luzon, Visayas, and Mindanao, especially in coastal and mountainous areas," saad pa ng PAGASA sa isang pahayag.

"The affected localities include those currently under Tropical Cyclone Wind Signal #1. However, strong breeze to near-gale conditions directly associated with 'AURING' will likely begin to prevail over the wind signal areas on Saturday at the earliest."

Humina pero lumaki ang apektado

Mas marami ang nasa ilalim ng Signal no. 1 ngayon kahit mas humina ang bagyong Auring, bagay na tropical storm category na lang magmula pa kaninang 2 p.m.

Ngayong lumalapit kasi ng lupa ang sama ng panahon, nasa 85 km/h na lang ang lakas na hanging dala nito, maliban pa sa busong aabot ng hanggang 105 km/h.

Mas mahina 'yan kumpara sa 95 km/h na lakas ng hanging dala ng bagyo kaninang 10 a.m. noong mas malayo pa ito. 115 km/h oras ang bugso kanina.

Kaugnay na balita: Bagyong Auring severe tropical storm na; 4 na lugar nasa Signal No. 1

Sa kabila niyan, posibleng lumakas pa ito bago sumalpok sa lupa: "Possible re-intensification into Severe Tropical Storm is likely prior to landfall. However, further intensification into a typhoon within the forecast period remains less likely as of this time," dagdag ng PAGASA.

"'AURING' will likely weaken while crossing the archipelago due to significant terrain interaction and dry air intrusion from the Northeast Monsoon."

Tinatayang makatitikim hanggang mamayang gabi nang mahihina hanggang katamtaman at minsanang malalakas na pag-ulan sa Caraga, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao Oriental, Davao de Oro at Davao del Norte.

vuukle comment

AURING

PAGASA

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with