^

Bansa

Bagyong Auring severe tropical storm na; 4 na lugar nasa Signal No. 1

James Relativo - Philstar.com
Bagyong Auring severe tropical storm na; 4 na lugar nasa Signal No. 1
Kuha ng Severe Tropical Storm Auring 536 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ika-19 ng Pebrero, 2021
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Lalo pang tumindi ang bagyong Auring habang mabagal na tinatawid ang Philippine Sea sa silangan ng Mindanao, Biyernes.

Sa ngayon kasi, ganap nang idineklara bilang severe tropical storm ng PAGASA ang sama ng panahon, bagay na kumikilos pakanluran o kanluran-timogkanluran bago pumihit pa-hilagangkanluran sa Sabado.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ang mata ng bagyo 536 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

May dala itong hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo hanggang 115 kilometro kada oras.

Sa ngayon, ibinaba na ng PAGASA ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Davao Oriental
  • silangang bahagi ng Davao de Oro (Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela, Monkayo)
  • silangang bahagi ng Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Prosperidad, Talacogon, San Francisco, Rosario, Bunawan, Santa Josefa, Trento)
  • Surigao del Sur

Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay katumbas ng 30-60 kilometrong lakas na hanging inaasahan sa susunod na 36 oras.

"More localities in Caraga and Davao Region may be placed under TCWS #1 in the next bulletin," ayon sa state weather bureau, Biyernes.

"Based on current meteorological data, the highest level of wind signal that will be issued throughout the passage of 'AURING' is TCWS #2 (for potentially damaging gale-force to storm-force winds)."

Ngayong umaga hanggang bukas ng hapon, mararanasan ang mahihina hanggang katamtaman na may pinsanang malalakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro at Davao del Norte.

Mababa pa naman ang posibilidad na lumakas pa patungong "typhoon" category ang bagyo sa pagtataya ng PAGASA sa ngayon. 

"'AURING' will likely weaken while crossing the archipelago due to significant terrain interaction and dry air intrusion from the Northeast Monsoon," ayon pa sa ahensya.

AURING

MINDANAO

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with